ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 16, 2025
Photo: Kris Aquino IG
Nag-share si Kris Aquino sa Instagram (IG) kahapon ng naganap na simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan,
This is her first post pagkatapos manahimik sa socmed (social media) nu’ng bumalik siya ng Pilipinas. Her last IG post ay noong November of last year.
Thru her IG post, nagpasalamat si Kris sa lahat ng nagbigay ng panahon para batiin siya on her birthday last February 14.
Ipinost ni Kris ang larawan nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, pati na ang mga Care Bears stuffed toys na regalo sa kanya ng mga ito, plus ang mga bulaklak na ipinadala ng mga kaibigan ni Kris.
Sey ni Kris, “I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all, I thank you for being with me, Kuya Josh, and Bimb during my journey towards recovery.”
Nag-post din ng kanilang mga pagbati ang celebrity friends ni Kris sa comment section ng kanyang IG post.
From Marian Rivera, “Happy birthday, Ninang (kiss and heart emoji).”
“Happy, happy birthday and wishing you a healthy and happy year ahead (red heart emoji),” pagbati ni Bianca Gonzalez.
“Happy birthday, Kris! (cake emoji) Happy Valentine’s too! (heart emoji),” mula naman kay Eric Quizon.
Compared sa kanyang previous posts, tila nagkalaman na nang konti ang pisngi at mga braso ni Kris sa photos na ipinost niya sa IG with her children.
Harinawang magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng katawan ni Kris Aquino.
MATAGUMPAY na idinaos ang three-day Barako Fest 2025 sa Lipa City, Batangas, kung saan punong-abala ang Mentorque producer na si Bryan Diamante.
Ang three-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso at 107 Angkas Sangga Partylist na si Mr. George Royeca ang first nominee.
Meron ding partners, platinum sponsors, gold sponsors, at silver sponsors mula sa private sector.
Kaya naman lalong bumilib sa galing ni Bryan ang nagbabalik na gobernador ng Batangas at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.
At the same time, naniniwala si Ate Vi na may kaakibat na teamwork kaya mahusay na nairaos ang Barako Fest this year.
Talumpati ni Ate Vi during the mediacon ng Barako Fest 2025, “Teamwork, that is the magic word, teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, ‘pag ‘di ka nasamahan ng iba na magagaling din, ‘di tayo magiging matagumpay.
“We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.
“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.
“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.
“Ngayon po ay naka-focus tayo dito sa Lipa. There’ll come a time, iikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…
“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon ‘yung masasabi nating micro and at the same time, ‘yung talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.”
Sa Angkeys To Win, limang motorsiklo ang ipinamigay sa Barako Fest. May tatlong pa-kotse — brand new Toyota Vios — sa Last To Take Hands Off Challenge. At nandiyan ang inspired sa Squid Game na Barako Game: Battle for P1 million.
Noong last day, February 15, nag-perform sina Vice Ganda, Joshua Garcia, TJ Monterde, KZ Tandingan, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, JC Santos, Jerome Ponce, Hev Abi, Ron Angeles, Good Boyz, Eleven11, Eclipse, at Mike Swift.
Hozzászólások