ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 16, 2025
Masaya ang mga shippers nina KC Concepcion at Aly Borromeo dahil tila nagkabalikan na nga sila.
Magkasama sila noong Valentine’s Day. Nag-post pa nga si Aly ng picture nilang dalawa, kaya lang, may takip ang face ni KC. Pero ang caption ay “Happy Valentine’s!!!”
Kahit may heat emoji na nakatakip sa mukha ni KC, nakilala pa rin siya at ang photo nila ni Aly na magkasama ay patunay na totoo ang tsismis na nagkabalikan na sila.
Ang ganda nga ng kanilang mga ngiti sa larawan na ibig sabihin, masaya sila.
Umaasa ang mga fans na this time, tuluy-tuloy na ang balikan nina KC at Aly, hindi na sila magbe-break. May mga comments nga na si Aly ang bagay kay KC at may nagsabi pa ng “I like them together.”
Hinayaan ni KC na si Aly ang mag-post ng photos nila together. Sa mga susunod na araw, marami pa siguro silang ilalatag na ayuda para matuwa ang mga shippers nila na matagal naghintay ng part two sa kanilang relasyon.
MARAMI ang nainggit kay Barbie Forteza dahil solo pala na nag-travel sa South Korea at nilubus-lubos nito ang ilang araw na bakasyon.
Ang dami nitong pinuntahang tourist spots sa SoKo kabilang ang mga coffee shops na kahit dito sa bansa, tila iniisa-isa niya.
Isa sa mga binisita ni Barbie ang Gangnam District at nag-enjoy din sa binisitang bookstore dahil she’s into reading din. May pinuntahan ding coffee shop ang aktres at hindi lang kape ang sadya niya.
“They say KPop Idols come here so I took my chance, hoping to meet one. Nag-bill out na ko’t lahat, wala pa rin,” post nito na ibig sabihin, na-hopia (umasa) siya at walang na-meet na K-Pop idols.
Natutuwa ang mga friends ni Barbie sa kanyang “me time” na kasama sa kanyang “solo era journey.” I-enjoy daw niya ang pagiging single dahil 7 years nga naman siyang may karelasyon.
Pinapayuhan ng mga fans si Barbie na ‘wag magmadaling maghanap ng boyfriend na ipapalit kay Jak Roberto lalo na’t nae-experience niyang masaya rin ang maging single.
Samantala, may mga fans si Barbie na nag-react sa sinabi ni Jak nang mag-guest sa It’s Showtime (IS) na, “Sana panain ka sa tamang tao na.”
Sabi ng mga fans ni Barbie, kung walang magandang sasabihin si Jak, ‘wag nang mag-shade o magparinig at ayusin na lang ang pagdya-judge.
In fairness, ilang buwan nang break ang JakBie, pero hindi pa rin natin alam ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Walang nagsasalita kina Barbie at Jak at sana raw, ‘wag nang simulan ng aktor para manatiling tahimik ang paghihiwalay nila ng aktres.
BINIRO ng kanyang mga fans si Kyline Alcantara na tumatapang na raw dahil nakikipagsabayan na sa ibang couples na nag-post ng kanilang Valentine’s Day date.
Ipinost din ni Kyline ang bouquet of pink tulips na bigay ni Kobe Paras, pero sa halip na chocolates, chocolate cookies ang isa pang regalo ni Kobe sa girlfriend.
Sa Instagram (IG) Story ni Kobe, naka-post ang flowers na bigay niya kay Kyline at may caption na, “Happy Valentine’s Day, my love.”
Pati menu nila for the night sa Helm resto sa BGC, naka-post din, kaya pati KyBe fans, kilig-kiligan.
Naaliw kami sa comment ng isang fan na kung ang ibang couple, puro roses in different colors ang regalo sa mga dyowa, si Kobe, tulip ang ibinigay kay Kyline at ang dahon ay eucalyptus. Very elegant daw ang bouquet of flowers na gift ni Kobe kay Kyline.
May mga nagpaalala rin sa KyBe na ‘wag silang mag-aaway at lalong ‘wag silang maghihiwalay. Nakakatulong sa kanilang relasyon na ayaw mag-showbiz ni Kobe Paras, sa endorsement daw muna siya at babalikan ang basketball sa payo na rin ni Kyline Alcantara.
Comments