top of page
Search
  • BULGAR

Nag-mature na raw… SAM, UMAMING NABAGO ANG MASASAMANG UGALI DAHIL KAY RHIAN



Showbiz News

Sa thanksgiving-cum birthday celebration ni Tutok To Win Partylist Representative Sam Verzosa ay napabilib niya kami because namigay siya ng 100 food carts sa mga napili niyang tagasubaybay sa kanyang public service program sa GMA-7 titled Dear SV.


Kasama niyang namigay ang kanyang real-life sweetheart actress na si Rhian Ramos na tipong full support sa "Dear SV" niya.


And take note, during the Q&A portion with some press pipol ay tipong ang sweeet nilang dalawa sa harap namin. Inayos pa ni Dear SV ang buhok ni Rhian at hinalikan pa ang balikat nito and both radiate love in their eyes, sa true lang.


Up close and personal ay tipong ang lakas ng sex appeal ni "Dear SV" at very charming, kaya hindi nakakapagtakang ma-in love sa kanya ang isang Rhian Ramos na marami rin ang nagkakagusto, kabilang na ang mga belong sa katomboyan, kasi nga, super-lakas din ng sex appeal nitey, sa true lang.


When asked by yours truly kung may balak na ba silang magpakasal, sagot ni Rhian, “Mahaba pa ang life. ‘Di naman kami nagmamadali, darating din ‘yan.” 

“Lahat, may tamang panahon. Darating po ‘yan,” sagot naman ni Dear SV.


Three years na silang mag-on at kung anik-anik (anu-ano) na ang mga pinagdaanan nila. Anu-ano ba ang mga natutunan nila sa kanilang relasyon?


“Ang dami kong natutunan talaga. Not just about relationships, about myself din, about Sam, about being a good partner, and what really means, what healthy communication is. Siyempre, kapag may away (fight), du’n mo lang matututunan kung ano ang healthy communication and healthy arguing. 


“Ngayon ko lang talaga nadi-discover. We try to be as patient with each other as possible. We support each other no matter what,” sey sa amin ni Rhian.


Dagdag ni SV, “Nag-grow ako as a person. I’ve matured. Ito na ‘yung one of the best versions of myself. Dahil sa kanya nga, lalo pang nailabas ‘yung mga magaganda sa ‘kin at nabawasan ‘yung mga ‘di magaganda at nabago ko ‘yung hindi magagandang ugali. Lahat ‘yun, nagawa ko dahil sa pagmamahal.”


Huwwwooowww, Cubao! Ang laki nga naman ng nagagawa ng pag-ibig at pagmamahal sa magsyota, in pernes, 'noh?!


Sa tanong why they admire and love each other, “Si Rhian ang pinakamatalinong tao na nakilala ko at sobrang pure ng puso at damdamin. Dahil sa kanya, mas lalo akong naging mabuting tao. Du’n ako sobrang na-attract at napamahal sa kanya,” pahayag ni Dear SV.

“Nakikita ko naman kay Sam is he really has the purest, most golden heart. He always has treated me with so much respect from day one. Marami talaga akong natutunan. I’m a big admirer,” sey naman ni Rhian habang titig na titig sila sa isa’t isa, ang sweet nila talaga na tipong kainggit much, sa true lang!


Sana lahat ng magsyota, tulad nilang dalawa. 


‘Yun na! Devah naman, Doods Lizardo Maglaqui na isa sa pinakamabait at lovable na PR.


0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page