top of page
Search
  • BULGAR

Nag-inuman sa bahay ni kap.. 2 tanod pinagsasaksak ng kabaro

ni Levi Gonzales | February 21, 2023



Patay ang isang barangay tanod habang sugatan ang kasama nito matapos pagsasaksakin ng kapwa nila tanod sa Purok 2, Bgy. Bulacnin, Lipa City, Batangas. Kinilala ang nasawi na si Rogelio Dalisay, 49, habang sugatan naman si Expelito Recio, 46.

Batay sa ulat, kalalabas lamang ng dalawang biktima mula sa bahay ng kanilang tserman makaraan ang ilang oras na inuman.

Humarang sa kanilang daraanan ang suspek na si June Africa, 49.

Agad nitong pinagsasaksak si Dalisay habang inawat naman siya ni Recio subalit sinaksak din ito ng suspek bago tumakas.

Nadala naman ang dalawa sa pagamutan subalit isa ang binawian ng buhay. Inaalam pa ang motibo sa krimen.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page