ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 27, 2023
Dear Chief Acosta,
Ako ang nag-iisang may-ari ng isang maliit na sari-sari store. Isa sa mga empleyado nito ang nagsampa ng labor case sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa aking tindahan. Maaari ba akong personal na managot kahit hindi ako ang namamahala nito? - Marites
Dear Marites,
Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Salvador Dela Fuente, doing business under the name and style SM Seafood Products, et. al. vs. Marilyn E. Gimenez” (G.R. No. 214419, 17 November 2021), na isinulat ni Kasamang Mahistrado Rodil Vaquilar Zalameda, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Under the law, in a sole proprietorship, the sole proprietor is personally liable for all the debts and obligations of the business. This is because a sole proprietorship does not possess any juridical personality separate and apart from the personality of the owner of the enterprise.
Such being the case, Dela Fuente as the sole proprietor is liable to Gimenez for backwages and separation pay. Strictly speaking, he is the proper party in this case and the one liable to Gimenez, since SSP has no separate personality to defend this suit. This Court has held that:
A sole proprietorship does not possess a juridical personality separate and distinct from the personality of the owner of the enterprise. The law merely recognizes the existence of a sole proprietorship as a form of business organization conducted for profit by a single individual and requires its proprietor or owner to secure licenses and permits, register its business name, and pay taxes to the national government. The law does not vest a separate legal personality on the sole proprietorship or empower it to file or defend action in court.”
Batay sa nabanggit na Desisyon, sa nag-iisang pagmamay-ari (sole proprietorship), ang nag-iisang may-ari (sole proprietor) ay personal na mananagot para sa lahat ng mga utang at obligasyon ng negosyo. Ito ay dahil ang nag-iisang pagmamay-ari ay hindi nagtataglay ng anumang huridikal na personalidad na hiwalay at bukod sa personalidad ng may-ari ng negosyo.
Nabanggit mo na ikaw ang nag-iisang may-ari ng isang maliit na sari-sari store, kaya ito ay maituturing na nag-iisang pagmamay-ari. Samakatuwid, ikaw, bilang nag-iisang may-ari, ay personal na mananagot sa lahat ng mga utang at obligasyon ng iyong tindahan, kahit na may ibang namamahala rito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comentarios