ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 13, 2023
“Dante (Rivero) is the only man in my life that belongs to the showbiz world,” ito ang pagtatapat ng batikang aktres na si Elizabeth Oropesa sa panayam sa kanya ni Snooky Serna sa YouTube channel na in-upload nitong Sabado nang gabi.
Medyo nagulat si Kooky dahil hindi naman lumabas ang balitang ito noong kapanahunan nina Dante at Elizabeth. Kaya ang tanging nasambit ng una, “Medyo naka-scoop po tayo ru’n.”
Kaya napag-usapan si Dante ay dahil sa segment na Flash the Movie na magbabalik-tanaw si Elizabeth tungkol sa mga nakasama niya sa bawat pelikulang nagawa niya.
Una na nga ang Lumapi’t Lumayoang Umaga na idinirek ni Ishmael Bernal at pinagbidahan ni Elizabeth kasama sina George Estregan at Dante Rivero.
“Dito ako nanalo ng Best Actress ko sa FAMAS (1975). ‘Yang pelikula na 'yan, mahirap, nag-umpisa ako as probinsiyana na may punto, gradually nawawala ang punto hanggang sa yumaman ako pero may traces pa rin,” kuwento ni Oro (tawag sa aktres).
Nabanggit na napakagagaling na aktor nina Dante at George at baguhan pa lang noon si Elizabeth at saka sinabi ni Snooky na naka-work na rin niya ang una sa pelikulang Wanted Perfect Mother noong 1970 na idinirek ni Lino Brocka, saka ipinakita ang lumang video na magkaeksena sina Kooky at Dante.
“I know!” mabilis na sagot ni Elizabeth sabay sabing, “Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Yes, siya lang.”
Napa-"Uhhm" si Kooky, saka nagkatawanan ang dalawang aktres, “Naka-scoop po tayo.”
Muling tinanong ni Snooky kung si Dante ba ang masasabing great love ni Elizabeth.
“Of course, we have a son!” diretsong sagot ng beteranang aktres.
Nagulat si Snooky at napatitig kay Elizabeth at tanging nasabi ay, "Oooh.”
“Yeah! Hindi lang kasi kami madaldal, hindi naman kami… Nu’ng araw kasi, hindi naman uso ('yung tsismisan), wala naman kasing social media and you don’t normally talk about your personal life,” katwiran ng ex ni Dante.
Nasa edad kuwarenta na raw ang anak nila at hanggang ngayon ay maganda ang komunikasyon ng dalawang beteranong artista.
“Friends kami (Dante), walang problema!” diin ni Elizabeth.
Wala namang ibinigay na pagkakakilanlan ang aktres kung ano ang pangalan ng anak nila ng aktor at kung ano ang kasalukuyan nitong trabaho.
Comments