top of page
Search
  • BULGAR

Nag-iipon na raw… GERALD, UMAMING MALAPIT NA ANG KASAL NILA NI JULIA

ni Beth Gelena @Bulgary | June 8, 2024



Showbiz news


Sa interbyu ni Karen Davila kay Gerald Anderson, binalikan niya ang pagbibigay nito ng bahay sa ina. 


Aniya, paglabas daw niya noon sa PBB house, ang una niyang ginawa ay agad na magtrabaho para makaipon. 


Motivation daw kasi niya ay mapagawaan ng sariling bahay ang ina. 

Kung anuman daw ang binibili niya ngayon para sa sarili ay ‘di siya nagi-guilty dahil inuna na niya ang para sa ina. 


Kuwento niya sa news anchorwoman/broadcaster/journalist, “Nu'ng nandu’n kami sa States, hindi naman kami mayaman, eh. Let’s say middle class, barely middle class. We have this small, small house sa States and then sa labas po ng same village or subdivision namin, may magagandang mga bahay. ‘Yun ‘yung sinasabi ko sa nanay ko, 'One day, bibilhan kita ng malaking bahay mo, kahit ano'ng bahay na gusto mo.'


“So, ‘yun ‘yung naging motivation ko rin. Paglabas ko ng PBB (Pinoy Big Brother), nagtrabaho at nakaipon. Ni-renovate ko ‘yung dati naming bahay sa GenSan.


“Kumbaga, kahit ano'ng bibilhin ko para sa sarili ko, hindi na ako magi-guilty dahil alam ko na inuna ko ‘yan para sa nanay ko.” 


Hindi niya umano makakalimutan ang pagkakataong iyon na labis niyang ipinagpapasalamat sa Diyos.


“Ang bait talaga ni Papa God na you always pray, you always think about what you want and mangyayari talaga and you have to work towards it. I just remember na sobrang saya.


Sobrang saya nu’ng moment na ‘yun.”


Naitanong din sa actor kung may plano na ba siya to settle down? 

“Malapit na, malapit na,” ang sunud-sunod niyang sabi. 


Aniya pa, kaya niya ginagawa ang pagpupundar ay paghahanda niya ito para sa kanyang magiging pamilya, sa mga magiging anak nila ni Julia Barretto. 


Pero, hindi raw niya papayagan na ang magiging anak nila ay lumaking spoiled. 

Why Julia is different? 


“Because we supported each other, ‘yun ang importante sa 'kin, eh. Alam n’ya ang endeavors ko, ang trabaho ko, pagba-basketball ko, alam din kasi n’ya,” wika ng aktor. 


Komento ng mga netizens, “In fairness naman sa lahat ng mga naging girlfriend n’ya, kay Julia s’ya parang pinaka-at ease.”


“Close s’ya sa family, kasama s’ya sa mga travels, tapos parang secured s’ya sa relationship nila.”


“Maturity changed a lot. Nice interview, Ms. Karen.”


Nabanggit din ng aktor, “I can’t regret anything because I am who I am now because of what I've been through.”



 

Gamit na gamit daw sa interbyu ng aktor…

XIAN, PANAY PA RIN ANG BANGGIT KAY KIM




Kim at Xian

Nakapanayam si Xian Lim ng GMA entertainment reporter na si Nelson Canlas para sa 24-Oras. 


Tanong sa kanya ay kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho niya ang ex-girlfriend na si Kim Chiu ay papayag ba siya? 


Pero bago sinagot ng aktor ang tanong ay muli niyang sinabi na maayos naman nilang tinapos ni Kim ang kanilang relasyon. 


“We ended naman in good terms. Wala naman talaga kasi siyang... Of course, merong iyakan... We’re people, tao kami. Of course, in time kung bibigyan kami ng pagkakataon na magkatrabaho ulit, why not?”


Gayunpaman, ang labis niyang ikinabahala ay idinamay pa ng ilang netizens ang kanyang Mommy Mary Anne at ang kanyang lola sa pamba-bash ng mga ito. 


Aniya, ‘wag na sanang idamay pa ang kanyang pamilya sa mga akusasyon ng ilan sa kanya. 


“Sige, ako na 'yung tirahin nila, but not my family. Also, just giving a little context, nadadamay na rin kasi ‘yung nanay ko, ‘yung lola ko, they are getting personal messages.”


Sey tuloy ng mga netizens, “Unlimited? Paulit-ulit?”


“Kada interbyu na lang ay laging mention si Kimmy?”


Mukhang hindi pa raw nakaka-move on si Xian, gayung ni hindi nga raw siya nababanggit ni Kim kapag iniinterbyu ang Chinita Princess. 


Oo nga naman... 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page