top of page
Search

Nag-endorse ng impeachment kay VP Sara, ngiwi, sasapakin para pumantay... Bato, nalamang na-stroke si Cendaña, nagsori

BULGAR

ni BRT @News | Feb. 10, 2025



Sen. Ronald Bato Dela Rosa at Akbayan Rep. Perci Cendaña  - FB

Photo File: Sen. Ronald Bato Dela Rosa at Akbayan Rep. Perci Cendaña / FB



Nag-sorry si Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa sa “offensive comments” niya tungkol sa mukha ni Akbayan Rep. Perci Cendaña, na isang stroke survivor.


Biyernes, Pebrero 7, nang magbigay ng komento si Bato sa isang balita tungkol sa sinabi ni Cendaña laban sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na “mas masakit pang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ng House of Representatives”.


“Kanang imonang nawong gisagpa na sa dile ingun nato busa nahiwi. Duol dire nako beh kay akoy sagpa sa pikas nawong nimo para mabalanse (‘Yang mukha mo, sinapak ng 'di natin alam kaya ngiwi. Lumapit ka nga dito kasi sasapakin kita sa kabilang mukha mo para balanse),” mababasa sa komento ni Dela Rosa.


Matapos mag-viral ang burado nang komento ng senador, naglabas ng pahayag si Cendaña nitong Sabado, Pebrero 9, at sinabing “‘TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’ na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor”.


Sa hiwalay na pahayag, pinalagan din ng Akbayan Rep. ang isa pang bahagi ng komento ni Dela Rosa na sasapakin daw siya nito.


Dahil dito, kahapon ay naglabas na ng pahayag si Dela Rosa upang humingi ng tawad sa kanyang nabitiwang mga salita na tinawag niyang “offensive comments”.


“I apologize for what I said and did, particularly in failing to see the bigger picture. My apologies to Congressman Perci Cendana for my offensive comments on his person. I wish him good health.”


“I make no excuses and I take full responsibility for the hurt my words have caused,” saad pa niya.


Matatandaang si Cendaña ang nag-endorso sa unang impeachment complaint na inihain ng civil society leaders laban kay Duterte noong Disyembre 2024.

0 comments

Recent Posts

See All

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page