ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 1, 2024
Photo: Sina Carlos Yulo at Chloe San Jose bilang sina Chucky at Tiffany sa Shake, Rattle & Ball 24 - IG / Circulated
Trending ang costume nina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa pinuntahan nilang Shake, Rattle and Ball 2024 Halloween party nitong Miyerkules, Oktubre 30, na ginanap sa The Space, One Ayala Makati City.
Ipinost ni Chloe sa kanyang Instagram (IG) stories ang event at talagang pinagkaguluhan sila ng boyfriend niyang si Carlos dahil head turner nga naman ang costume nilang Chucky at Bride of Chucky na bumagay talaga sa kanila.
Ang caption ni Chloe sa ipinost niyang larawan niya, “They said be yourself, so I became my alter ego... Tiffany’s out to play @shakerattleandball (emoji knife).”
May nabasa kaming komento na si Chloe raw talaga ang human version pero si Carlos ay mukhang Labubu doll.
At mukhang ine-enjoy din ng ating 2-time Olympic gold medalist ang suot niya dahil wala itong ginawa kundi rumampa nang rumampa at panay ang pa-picture pa.
In fairness, maraming naaliw sa dalawang personalidad.
Sey ng mga netizens:
“Bagay sa kanilang personality, ganyan na lang kayo normal days and forever.”
“Ito talaga ‘yung bagay sa kanila na make-up, pinarisan nila ‘yung ugali nila. Hehehe!”
“These are sarcastic outfits but reflect their images. Bagay sa mga ugali nila.”
“Panalo. Tumpak ang costume sa pagkatao.”
“Reflection n’yo ba ‘yan?”
Hindi naman napigilan ng taklesang director na si Darryl Yap na hindi magkomento tungkol kina Carlos at Chloe na ipinost niya sa kanyang Facebook (FB) account.
Samantala, ini-repost din ng controversial director na si Darryl sa kanyang FB page ang larawan nina Carlos at Chloe at ibang lengguwahe ang caption niya na naintindihan namin pero hindi na namin ilalagay ang ibig sabihin dahil hindi maganda.
In fairness, trending ang post na ito ni Direk Darryl dahil umabot sa 839 comments, 129 shares at 11,000 engagements.
Ang ilan sa mga nabasa namin ay:
“Right choice, very natural.”
“It’s right when you choose a character that fits your actions and behaviors, both of you choose well.”
“Human version of Labubu.”
“Wow, Chucky and Chucky’s bride. Perfect!”
“Dapat ‘di na lang nag-make-up si ateng para mas kamukha.”
“Hahahaha! Walastic kayo. Ang aga ng tawa ko, direk.”
“Ginagawa na namang tanga si Carlos. Grabe na ‘yan.”
Bukas ang BULGAR kung ano ang masasabi nina Chloe San Jose at Carlos Yulo sa mga komento ng mga netizens sa hitsura nila.
MASAYANG nakipiyesta ang mga kilalang OPM na musikero sa Bacolod Puregold MassKaravan at concert. Sama-samang dinala ng mga hip-hop icons na sina Skusta Clee, Flow G at SB19 ang ‘panalo spirit’.
Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taun-taon at dinarayo ng libu-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mahigit 150,000 ang dumalo upang makisaya sa Puregold at sa mga bigating musikerong bisita.
Mas pinatingkad ng Puregold Sari-Sari Store MassKaravan ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista. Ipinagdiwang sa Bacolod City Government Center, naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, na pumunta sa konsiyerto upang mapanood ang mahusay na ritmo nina Skusta at Flow G, at ang sayaw at harmonya ng SB19.
Natunghayan din ng mga nanood ang pagtatanghal ng mga nagbukas ng konsiyerto, sina Project Juan at Esay.
Kitang-kita sa mga tagapanood ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng kanilang mga paboritong musikero.
Habang bukas sa publiko ang konsiyerto, may bentahe ang mga miyembro ng Puregold sa kapana-panabik na kaganapan. Mayroong mga VIP at VVIP na tiket na ibinenta sa mga piling Puregold stores sa Bacolod at Iloilo noong Oktubre 5, na paraan ng Puregold na pasalamatan ang mga araw-araw na suki at mabigyan sila ng magandang karanasan sa konsiyerto.
Marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brands ng Puregold, na may mga booths sa pinagdausan ng konsiyerto.
Marami ring mga giveaways ang nag-abang sa Perks at Aling Puring members. Ang unang 2,000 na nagrehistro sa konsiyerto ay nakapag-uwi ng libreng loot bag na naglalaman ng mga grocery items na nagkakahalaga ng P300.
Sa masayang musika, mga giveaways at promo, naramdaman talaga ng mga dumalo sa Puregold Sari-Sari Store MassKaravan at concert ang selebrasyong Pinoy.
Comments