ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 21, 2022
Nasa bansa pala ngayon si Bela Padilla at nalaman lang ito ng lahat nang mag-post si Kim Chiu ng larawang magkakasama sila nina Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account kamakailan.
Nag-bonding ang magkakaibigan na tinawag ang grupo nila bilang "AngBeKi".
Base sa mahabang caption ni Kim sa mga larawan nilang magkakaibigan, “#AngBeKi Reunite (heart emoji). Celebrating life with real momsy @iamangelicap and the homecoming momsy @bela (three hearts emoji) had a mega super more than a million laughterness last night!!
“Good laugh with tears and all. Ang sarap ng kuwentuhan. Ang saya na may mga kaibigan kang kahit matagal kayong 'di nagkita, parang last week ‘yung last n'yong gala.
“Waiting na kami kay baby momsy! Excited na kami!!! Mag-picnic na kami ni Momsy Bels sa labas ng hospital. Love you both Momsies. Thank you @gregg_homan for being the best ever for Momsy Angge!! Deserve."
Sumagot naman si Angelica, “It’s the candle blowing for me. Sooo ultra love you Momsy salamat sa dinneret at flowers."
Kulang 200,000 naman ang nagkagusto at pinusuan ang post na ito ni Kimmy at kulang 300 positibong komento ang mga nabasa namin mula sa mga followers ng TV host/actress/singer.
Tsinek naman namin ang IG post ni Bela at ipinost din niya ang kaparehong larawang ipinost ni Kim.
Ang caption ni Bela, “Conversation about chicken funny memories, wrong decisions, blue dresses we would never wear and a ten centimeter bean head anything and quite literally everything with you guys is always the best time.”
Say naman ni Angge, “The mais and chicharon bulaklak."
Hirit ni Kim, “@iamangelicap @bela, I think I’ll go for the chicharon bulaklak ultra and mega chicken!!! (emoji laughing face).”
Comentários