top of page
Search
BULGAR

Nag-b-day party nu'ng lockdown... Sinas, 'di lusot sa kaso kahit PNP Chief na

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 10, 2020




Itinalaga bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief si Police Major General Debold Sinas noong Lunes ngunit hindi umano ito ligtas sa isinampang kasong kriminal laban sa kanya sa alegasyong paglabag sa quarantine protocols, ayon sa Malacañang.


Kinasuhan si Sinas sa Taguig City Prosecutor’s Office dahil sa naganap na mass gathering noong Mayo sa kanyang kaarawan kahit na ipinagbabawal pa ito dahil sa COVID-19 pandemic.


Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “The appointment of course will have no bearing on the decision of the Taguig Prosecutor’s Office.”


Nilinaw din ni Roque na hindi ibinasura ang kasong administratibo laban kay Sinas.


Ayon din kay Roque, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sinas bilang PNP Chief dahil umano sa kontribusyon nito sa giyera kontra-droga.


Saad pa ni Roque, “And let’s see after six months [if] he will inspire people.”


Si Police General Camilo Cascolan ang pinalitan ni Sinas sa puwesto.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page