top of page
Search
  • BULGAR

Nag-away dahil kay Diego… BARBIE AT DEBBIE, DATING MAG-BFF BAGO NAGSAKITAN SA BAR

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 6, 2022




Malalim pala ang 'hugot' ng galit nitong si Barbie Imperial sa nakasakitan niya sa isang bar sa Kyusi kamakailan na si Debbie Garcia, ang sinasabing bagong girlalu raw nitong si Diego Loyzaga na ipinalit kay Barbie.


Nang pumutok ang isyu ng away ng dalawang sexy actress at nagdemanda na nga itong si Debbie kay Barbie ng patung-patong na kaso, akala ng mga netizens ay 'bitter' at insecure lang itong si Barbie kay Debbie at hindi siya maka-move on sa hiwalayan nila ni Diego kahit pa ilang buwan na ang nakalilipas.


Pero nang kumalat ang isang larawan kung saan makikitang nakayakap pa itong si Barbie kay Debbie na may nakasulat ding: "'Yung nagkaroon na naman ako ng kapatid na matigas ang ulo minsan… Love you, Bie! I'm always here for you. Alam mo 'yan! Marami pa tayong adventures na pagsasamahan. Huggggg! Happy ako 'pag happy ka. — Bie (heart icon) Bie," naintindihan ng mga netizens ang pinagmumulan ng galit ni Barbie kay Debbie.


Si Debbie ang nagsulat ng mensahe sa larawan nila ni Barbie, kaya nalaman ng mga utaw na magkaibigan naman pala ang dalawa.


Pero bakit nga ba humantong sa sakitan at pisikalan sa loob ng isang bar?


Komento tuloy ng mga netizens, fake friends lang pala sila. At wish din ng marami, sana ay magkaayos pa ang dalawa at hindi na matuloy sa korte ang away nila.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page