ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 20, 2025
Pintura lang ang suot ni Nadine Lustre sa pubmat ng campaign ng PETA to encourage people to become vegan. Si Nadine bilang si Mother Earth ay pumayag na pintura lang ang suot pang-itaas.
Sabi nito, “You really have to give it your all. Especially if it’s something that you truly believe in.”
Matagal nang vegan si Nadine at pati nga milk, hindi dairy milk ang iniinom nila ng boyfriend na si Christophe Bariou. Ini-launch nila ang Dehusk Milk na galing sa coconut na marami ang nagtatanong kung saan mabibili.
Samantala, hindi pa pinakinggan ni Nadine ang suhestiyon ng mga netizens na idemanda niya ang supporter ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) na nag-comment ng “Sana ma-rape ka ng adik.”
Dahil ito sa may ipinost si Nadine na pagsuporta sa pag-aresto kay Duterte.
May isa pa ngang nag-comment na kung makita raw niya sa Siargao si Nadine, sisipain niya.
So far, wala pa namang balita na sinipa si Nadine.
Speaking of Nadine, magiging judge siya ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas (MSP) na mapapanood sa TV5 soon. TV comeback ito ng aktres na matagal nang hindi napapanood regularly sa TV.
PAREHONG ina sina Ara Mina at Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya kaya nagkakasundo sila at pareho silang gustong makatulong sa mga nangangailangan.
Tumatakbong konsehal sa 2nd District ng Pasig City si Ara at magkasama sila sa Team Kaya This.
Dahil pareho ng adhikain, nagkasundo ang dalawa at nagtutulungan para pareho silang manalo. Napansin nga ng press na pinakinggan ni Ara si Sarah nang basahin ang ilan sa plataporma niya sa mga taga-Pasig.
Matapos basahin ni Sarah ang mga tututukang isyu, nabanggit ni Ara na isa sa mga nagustuhan niya kay Sarah ang pagiging matulungin nito. Naluha pa nga ang aktres nang ikuwento kung paano tumulong si Sarah, parang mahirap pantayan, pero gagawin niya ang lahat ng makakaya para makatulong.
Ikinatuwa ni Ara na kasama sa plataporma ni Sarah ang PWD sector at naalala ang pumanaw niyang publicist na si Leo Bukas.
“PWD din s’ya,” sabi nito kay Sarah, kasunod ang pagsasabing, “Sayang wala na s’ya. Hindi na n’ya naabutan ang pagpasok ko sa pulitika.”
Nagkaroon din pala ng age reveal sa presscon nina Ara at Sarah. Ara is 45 years old at 48 years old naman si Sarah, magkalapit ang kanilang mga edad na factor din para sila’y maging in the same wavelength.
IPINAKILALA ni Arci Muñoz ang sarili sa mga followers niya sa Instagram (IG) at sa dami ng ginawa at gagawin pa nito, mahihiya ang kanyang mga bashers.
Sabi ni Arci, “Artista, rakista, karerista, sergeant (Philippine Air Force reservist), environment advocate, cookbook author, modelo, cosplayer, fan girl. Unicorn. Atbp.”
Ipinost niya ito noong celebration ng Women’s Month at talaga namang hahangaan mo ang babaeng ito.
Sa pelikulang Sinagtala: The Movie (STM), makikita at mapapanood si Arci bilang artista at rakista at siguradong hindi niya bibiguin ang mga naghihintay sa karakter niyang si Karla.
May post din si Arci patungkol sa movie na may April 2, 2025 playdate, “Nakakaiyak! Sobra ako proud sa pelikula na ‘to! This is it! The stage is set. The music is loud. But behind the melody lies a story of dreams, struggles, and unbreakable bonds.”
Isinulat din nito ang part ng press release ng pelikula ni Director Mike Sandejas, “Get ready to witness a journey of passion, friendship, and the fight to keep the music alive. Will they rise above the challenges, or with their harmony fade away.”
This Thursday ang premiere night ng movie at sana, nakabalik na si Arci Muñoz from her Hong Kong vacation.
Sa post niya kahapon, nasa HK pa siya at dumalo sa Hong Kong Filmart. Tapos, wala raw siyang ginawa kundi kumain nang kumain.
Comentários