ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 3, 2024
Tila nag-boomerang kay James Reid ang naging pahayag nitong hindi pa siya komportable sa mga panahong ito na makatrabaho ang ex niyang si Nadine Lustre.
Sa mga nasagap naming reaksiyon, napintasan at nalait tuloy ang pagka-aktor ni James dahil para sa mas nakakakilala sa kanila, si Nadine ang mas higit na may napatunayan kesa sa kanya bilang solo artist.
Kumpara raw kay James, may magandang track record sa box-office at may artistic merits pa si Nadine dahil naging award-winning actress ito.
Although may balitang babalik si James sa TV, wala pang kumpirmadong project ang aktor.
“Mag-series na lang muna s’ya sa ibang platform. Mag-acting workshop din at maghanap talaga ng makakatambal na bibitbit sa kanya,” reaksiyon ng mga disgruntled JaDine (James at Nadine) fans na tila hindi natuwa sa naging pronouncement ni James Reid.
Aguy!
MIXED reactions ang sambayanan sa balitang nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) si Dr. Willie Ong sa pagka-senador.
Umuwi ng bansa ang kanyang maybahay na si Doc Liza para i-represent siya sa pag-file, habang nasa Singapore pa si Doc Willie na patuloy namang bumubuti ang kalagayan sa laban nito sa kanser.
Para sa mga nababahala sa health condition ng doktor, ipinapayo nilang mag-focus na lang ito sa pagpapagaling at pagpapalakas pa.
“‘Wag na n’yang sayangin ang kanyang energy, talino at puso sa pagpasok sa pulitika. ‘Di ba sinasabi niyang ito ang isa sa mga naging sanhi ng kanyang stress at depression at pagkakasakit, bakit n’ya pa papasukin uli?” komento ng mga netizens sa kanya.
May mga naniniwala namang mas maraming magagawa si Doc Willie kapag may posisyon ito gaya ng pagiging senador at dahil may adbokasiya itong ayusin ang ‘health sector’ ng bansa, may mga nagnanais na siya’y suportahan.
Pero may nangangamba na dahil sa naging pronouncement niya tungkol sa mga pulitikong ‘corrupt’, malamang daw na mahirapan din siya na isulong ang magagandang layunin niya.
Hmmm...
FEEL namin ang pagiging laking-probinsiya nitong si Maine Mendoza.
Sa katatapos lang na Bingo Plus event, buong-ningning nitong ipinagsigawang na-experience niya ang ‘perya’. Ito kasi ang konsepto ng ‘Pinoy Drop Ball’ ng naturang platform for digital entertainment na bonggang-bonggang inilunsad, kasabay ng mga popular na line-up gaya ng Bingo, Tongits at Perya Games.
“Let’s just be a responsible gamer. Maging balanse sa tuwa at pagtaya,” habol pa ni Maine na nagsisilbing brand ambassador ng Bingo Plus under DigiPlus.
Dahil sa mas moderno na ang panahon, nag-evolve na rin ang drop ball batay sa mga Pinoy games na ating nakagisnan gaya rin ng Bingo Mega, Color Game at Papula Paputi.
Ang pinaka-exciting part dito ay ang pagkakaroon ng chance to win big multipliers from 2x payout to 3x payout under 15 slots (10, 50, 100, 200) at dahil naka-stream live ito ng 23/7, basta may gadget ay keri mong sumali, makapaglaro at manalo.
Sey nga ni Maine, “Part na po ng ating culture and tradition ang mga game na ganyan. Basta importanteng sa paglilibang natin ay masaya lang tayo.”
AYON sa survey ng isang booking platform, pang-lima (5) ang Japan sa mga paboritong puntahan ng mga Pilipinong turista, lalo na ng mga artista natin.
Ramdam ng mga turista na ligtas sila, ngunit tulad ng ibang bansa, hindi perpekto ang Japan.
Kaya naman ang grupong Pinoys Everywhere na samahan ng mga manggagawang Pilipino sa Tokyo ay may babala sa mga turistang Pinoy.
“Mag-ingat sana sila sa mga taxi na may puting plaka na kung tawagin sa Japan ay ‘shirotaku’. Mga turista ang madalas nabibiktima,” payo ng presidente ng grupo na si Jed dela Vega.
Aniya pa, ang mga legal na taxi sa Japan ay may green plate number.
“Kung puti ang plaka, hindi awtorisado ito na pang-negosyo,” payo ni Dela Vega.
“Halimbawang may aksidente, walang insurance ang pasahero. Maaari pa na madamay sa imbestigasyon kung sakaling may krimen.”
Noong Pebrero, iniulat sa Japan na may mga Hapon at Intsik na nahuli na may negosyong illegal na taxi service sa Haneda Airport.
Gumagamit sila ng reservation website at app para mangontrata ng turista na nais makatipid.
Payo ni Dela Vega, tumawag sa Metropolitan Police Department Traffic Investigation Division sa numerong 03-3581-4321 kung sakali mang magkaproblema sa ilegal na taxi.
“Gusto naming maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng mga Pilipino sa Japan,” aniya pa.
Oh, alam na!
Comments