ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 3, 2023
Tipong tatalunin ng Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin ang kinita sa takilya ng Viva Films' Maid In Malacañang, ha, 'coz sa red carpet premiere night pa lang ng Loyalista just very recently ay tatlong sinehan na sa Megamall ang inokupa ng Queenstar Movie Productions ng tinaguriang Jukebox Queen of Philippine Showbiz na si Imelda Papin at talaga namang super-dami ng nanood at punumpuno ng madlang moviegoers ang Cinema 1, 2 & 3, sa true lang.
Heard na ang madlang moviegoers na sumugod sa premiere night ng Loyalista ni Imelda ay nagbayad ng tiket worth P1K each. 'Yan ang tsika sa amin ng ilang katribu nina Marites at Mosang, ha?
So, if true talaga ang tsika, premiere night pa lang ng Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin ay kumita na nang milyones kaya puwedeng masabing boom, wowowin si Imelda Papin, devah naman, Kuya Willie Revillame?
Dinaluhan ito ng mga pangunahing bituin ng pelikula tulad nina Claudine Barretto who played the role of Asia’s Sentimental Songstress and Jukebox Queen Imelda Papin, Alice Dixson (Madame Imelda Marcos), Jeorge Estregan, Jr. (Pres. Ferdinand Marcos), Maffi Papin (as herself), Gary Estrada (as Bong Carrion), Aileen Papin (as Gloria Papin) at marami pang iba. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Gabby Ramos and produced ng mag-inang Imelda at Maffi Papin under Queenstar Film Productions.
At siyempre pa, super-saya ng mag-inang Imelda at Maffi at lahat ng stars at production staff ng Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin na produced ng Queenstar Movie Productions.
And take note, bagay na bagay kina Jeorge Estregan at Alice Dixson ang role na kanilang ginampanan as former President Ferdinand Marcos, Sr. and former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, maging si Gary Estrada as Bong Carrion.
So, kaya pala nawala sa showbiz limelight ang isang Imelda Papin at bawal patugtugin noong panahon ng Martial Law ang kanyang mga recorded hit songs ay dahil nag-stay ito sa tinirhang bahay ng mga Marcos sa Hawaii at sobrang naging close siya sa mag-asawang Ferdinand at Imelda, lalo na sa dating First Lady na katukayo pa naman niya.
Nag-stay doon si Jukebox Queen hanggang sa nadedo si ex-PH President Ferdinand Marcos.
Yes, ganu'n siya ka-loyal sa mga Marcos, sa true lang!
'Niwey, hindi man pinalad na makapasok sa sampung official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, nakatakda naman itong ipalabas sa mga sinehan sometime in late January or early February next year.
Bukod pa sa ipalalabas din thru block screenings sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at pati na rin sa iba't ibang bansa kung saan ay maraming nakatirang Pinoy na tipong mga loyalista rin ng mga Marcos.
Boom, 'yun na!
'Yun lang and I thank you.
Comments