top of page
Search
BULGAR

Nabenta ng P200 M… 10 LUXURY CARS NI SAM, SOLD-OUT

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 22, 2024




Napanood namin last Saturday ang episode ng TV show ni Sam Verzosa sa GMA-7 na Dear SV kung saan masayang ibinalita na sold-out na ang kanyang 10 luxury cars na ipina-auction. 


Nabanggit nito na para sa pagpapatayo ng Dialysis and Diagnostic Center (DDC) sa Sampaloc ang P200M na galing sa proceeds ng auction.


Nakapag-ground breaking ceremony na para sa building, kaya tuluy-tuloy na ang construction. 


Nakita namin ang blueprint ng DDC, malaki ito at hindi magsisiksikan ang mga pasyente. 


Ang hindi lang malinaw sa amin ay kung isa lang ba o dalawa o baka tatlo pa ang DDC na ipapatayo ni Sam.


Samantala, sa interbyu kay Sam ng ABS-CBN News sa rice distribution program sa Barrio Obrero Elementary School sa Manila, naibalitang nagte-training sila ng girlfriend na si Rhian Ramos para sa marathon sa New York. 


Naka-schedule sa November 4 ang marathon, kaya gaano man ka-busy, they find time na makapag-training.


“Nagpapalakas tayo. 'Pag may oras, tumatakbo kami, gym. Noong isang araw, nag-21km kami,” sabi ni Sam. 


For sure, marami pang paghahanda na ginagawa ang dalawa para sa darating na marathon.


Nabanggit din ni Sam na madalas niyang kasama si Rhian sa ginagawa niyang medical missions at charity work.


“Minsan, sumasama siya sa charity works at medical mission. ‘Di nawawala ‘yan. Training ko na rin itong ikot ko, nag-e-enjoy ako sa mga lolo’t lola ko, hinahalikan ako. Nakakatulong ang preparation sa ikot namin, may lakas ako,” ayon pa kay Sam.


 

KABILANG si Will Ashley sa cast ng Balota na napupuri ang acting dahil ang mga eksena nito — lalo na ‘yung hinuli siya na wala namang kasalanan at naging anak lang siya ni Teacher Emmy (Marian Rivera) — ang nagpapagalit sa mga moviegoers.


Ang iba, ngayon lang nila napanood si Will at 'katuwa ang mga comments na guwapo raw pala ang Sparkle GMA actor at nakakaarte ito. Bagay daw silang mag-ina ni Marian sa movie at may mga tanong pa nga kung sino raw kaya ang ama ni Will sa Balota


Hindi kasi ipinakita at nabanggit lang na Amerikano ang ama nito at pupuwede raw sanang si Dingdong Dantes ang gumanap na tatay.


Nagpasalamat si Will sa nag-organize ng block screening para sa kanya, mga fans at close friends ng aktor na hanga rin sa husay niyang umarte. Hindi raw siya nagpahuli kay Royce Cabrera na may pasabog ang karakter at malalaman lang towards the end.


Ibinalita naman ng GMA Pictures na top grosser ang Balota sa opening week nito at dahil nadagdagan ang manonood, tiyak na extended ang showing. Ipino-post ng mga fans ang cinemas na sold-out ang tiket at ang iba ay pa-sold-out na at alam mong magso-sold-out kapag nagsimula na ang screening.


Tuloy pa rin ang special rate at discount sa mga teachers at students na manonood na ikinatutuwa ng mga ito. 


 

Kahit super-dami pang sakit… 

KRIS, MAY ONLINE SHOW BAGO MAGTAPOS ANG 2024 


MAHABA man ang isinulat ni Kris Aquino kung saan nagbigay siya ng update sa medical condition niya at sinamahan ng iba pang balita, binasa pa rin natin. 


Aminin nating lahat tayo ay laging nag-aabang ng update from Kris at lahat tayo ay nagdarasal sa kanyang paggaling.


May isang part sa post ni Kris kung saan nabanggit niya nang slight ang special someone niya. 


Sabi nito, “Apologies, but until my groom and I exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) I’m choosing to keep my relationship private. Ibalato n'yo na sa 'kin 'yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal.”


May binanggit pa si Kris na “You must now have figured out who Dr. Mike is in my life,” pero dahil sa pakiusap niyang ibalato na lang sa kanya ang kanyang relationship, wala nang nagtanong tungkol sa doktor.


Ikinatuwa naman ang sinabi ni Kris na magkakaroon siya ng show with Darla and Jasmin at bago magtapos ang 2024 ang launching nito. 

Excited na ang lahat na muling mapanood si Kris Aquino at inaabangan na ang online show niya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page