top of page
Search
BULGAR

Nabakunahan sa ‘Pinas kontra-COVID, lagpas 1 million na!


ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 12, 2021




Mahigit isang milyong katao na ang nabakunahan laban sa COVID-19, kumpirmasyon ng Malacañang ngayong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 1,007,356 na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna at 132,288 naman ang nakatanggap na ng second dose. Sa kabuuang bilang ay umabot na sa 1,139,644 ang mga nabakunahan sa bansa.


Saad pa ni Roque, "Importanteng achievement po ito dahil lumampas na po tayo ng one million na nabakunahan."

Samantala, 70 million Pinoy ang target mabakunahan ng pamahalaan ngayong taon laban sa coronavirus. Sa bilang ng mga nabakunahan, ayon kay Roque, 965,169 doses ang naibakuna sa mga healthcare workers na nangungunang prayoridad ng pamahalaan sa isinagawang vaccination program.


Ayon din kay Roque, karamihan sa mga nabakunahan ay taga-Metro Manila na sinundan ng Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Ilocos, Northern Mindanao, at Western Visayas regions.


Matatandaang nakatanggap ang Pilipinas ng 2.5 million COVID-19 vaccine doses mula sa Sinovac Biotech at 525,600 AstraZeneca vaccine ng COVAX Facility.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page