top of page
Search
BULGAR

Naaadik sa socmed.. Pulis, bawal mag-cellphone

ni Mai Ancheta | May 27, 2023




Bawal na ang panonood ng telebisyon at pagte- text habang naka-duty ang mga pulis sa loob ng police stations sa Metro Manila.


Ito ang inihayag ni Police Major General Edgar Alab Okubo, hepe ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) upang mas maging epektibo ang paggampan sa tungkulin ng mga pulis sa loob ng presinto, lalo na ang mga desk officers.


Sinabi ni Okubo na nagpalabas sila ng mga tao mula sa Regional Intelligence Division para magpanggap na hihingi ng tulong at natuklasang hindi gaanong naasikaso ang mga ito dahil nakatingin sa telebisyon ang desk officer at madalas nakatingin sa kanilang mobile phone.


Dahil dito, ipinatanggal ng opisyal ang mga television set sa lobby ng police stations, at sa halip ipinalipat ito sa pantry o kusina


Sinabi ni Okubo na karamihan sa mga pulis na nasa loob ng police stations sa NCR ay nakatungo dahil abala sa pagbabasa at pagsagot ng text messages o kaya ay nakatingin sa kanilang social media pages na hindi dapat ginagawa habang naka-duty ang mga ito.


"Minsan napansin n’yo, sa isang grupo ng kapulisan halos nakatungo lahat, 360 degrees, ‘di sila aware sa nangyayari. Delikado ‘yun sa naka-deploy," dagdag ng opisyal.


Dahil dito, sinabi ni Gen. Okubo na papalitan ng mga babaeng police ang lahat ng lalaking desk officers sa Metro Manila dahil mas mahaba ang pasensiya at kakayahang makinig ang mga ito sa mga mamamayang hihingi ng tulong o pag-alalay sa mga otoridad.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page