top of page
Search
BULGAR

Na-trauma raw sa taga-showbiz after ni Kokoy… RHEN, DIRECTOR ANG BAGONG KA-DATE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 21, 2024




Feeling ng Viva Artist star na si Rhen Escaño, lucky year sa kanya ang 2024 dahil nag-uumpisa pa lang ang taon, may bago na siyang endorsement, ang CC6 Online Casino.


Ipinakilala si Rhen sa entertainment press and vloggers sa contract signing na ginanap sa Oriental Palace sa QC last Friday night kung saan present si Ms. Jev. A Frago, ang CC6 Marketing Head.


Bilang first endorser ng CC6 Online Casino na malapit nang mag-third anniversary, happy and proud si Rhen dahil hindi lang daw basta business ang iniisip ng CC6, meron din itong charity works bilang giving back sa success nito.


Nu'ng una raw sinabi sa kanya na siya ang mag-e-endorse ng CC6, napaisip din siya dahil baka sabihing nagpo-promote siya ng gambling. Pero dahil nga sa charity works na ginagawa ng CC6 Online Casino kung saan maraming kabataan at mahihirap na ang kanilang natutulungan, na-inspire si Rhen na maging ambassador dahil makakatulong daw siya para i-promote ang charity activities ng naturang company.


Diretso ring sinabi ni Rhen na wala namang masama at dapat ikahiya ang mga celebrities na naglalaro rin sa online casino as long as alam daw nila ang kanilang limit at hindi maadik dito.


Ang bottom line, nasa tao nga naman 'yan kung paano iha-handle ang paglilibang at ang pagiging lulong sa pagsusugal.


Tulad ni Rhen, ngayong ambassador na raw siya ng CC6 Online Casino, natural lang na i-try din niyang subukan ito, pero alam daw niyang idisiplina ang sarili.


Samantala, aminado si Rhen na kung lucky siya sa kanyang career ngayong 2024, hindi naman siya lucky in love. 


Kung matatandaan, August last year nang umamin si Rhen Escaño sa breakup nila ng Kapuso actor na si Kokoy de Santos.


After ni Kokoy, nagkaroon din pala siya ng non-showbiz boyfriend, pero naghiwalay na rin sila.


Sa ngayon, bagama't nakapag-usap na rin daw uli sila ni Kokoy, mukhang wala na raw second chance dahil alam ni Rhen na hindi love life ang priority ng aktor kundi ang career nito.


Kaya kahit magkaroon daw ng bagong girlfriend si Kokoy, 'wag nang umasa ang girl na ito ang magiging first priority ng aktor.


Na-trauma na rin daw si Rhen sa pagkakaroon ng showbiz boyfriend kaya kung magkakaroon man daw uli siya ng bagong karelasyon, ayaw na niya ng taga-showbiz.


Kaya lang, may bago palang idine-date ngayon si Rhen, hindi raw aktor, pero nang hulaan namin kung direktor, natawa ito at ang sabi, saka na lang niya ipapakilala ang guy kapag sila na at sure na sure na sila sa isa't isa.


Oh, well, first time naming na-meet at na-interview si Rhen at mukhang mabait naman ito. Minsan na rin namin siyang napanood umarte at may ibubuga naman kaya we wish na sana nga ay mabigyan siya ng big break sa showbiz tulad ni Ivana Alawi.


And with a very good manager na walang iba kundi si Tita Aster Amoyo, we know that Rhen is in good hands.


 

ICE, NAKIPAG-SHOWDOWN SA MGA MACHO DANCER






Super successful at SRO (standing room only) ang ginanap na soft launching-opening ng bagong business ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, ang Rampa Bar na matatagpuan malapit sa ABS-CBN Network sa QC, last January 17.


Hindi solo nina Ice at Liza ang pagmamay-ari ng Rampa Bar. Actually, kasosyo nila rito sina RS Francisco ng Frontrow, Louie Gene Cabel, LGBT advocate and kick-ass business woman Cecille Bravo, at ang Divine Divas (Precious Paula Nicole, Vinas De Luxe, Brigiding).


At dahil ito nga ang first drag club sa QC, dinumog ng mga members ng LGBTQIA Community ang soft opening ng Rampa, kung saan bonggang-bongga at to the highest level naman ang naging performance ng mga pambatong drag queens ng bar.


Each one of them ay may kani-kanyang pasabog at estilo at hahangaan mo talaga kung gaano kataas ang energy nila while performing na parang walang kapaguran kesehodang in super-high heels sila at mga costumes na talaga namang ginastusan.


Aliw much talaga ang hatid ng mga kafatid nating gay performers at du'n mo masasabing hindi porke bakla sila ay hanggang du'n na lang sila. 


In fact, kung noon ay nilalait-lait ang mga bakla dahil pang-parlor lang daw, aba ngayon, kahit nga mga straight na babae, pinasok na rin ang pagiging drag queen. Kaya nakakabilib talaga dahil marami nang gumagaya at nai-inspire na gayahin pa ang mga drag queens.


Akala nga namin, may pasabog that night ang isa sa mga owners ng Rampa Bar na si Ice Seguerra dahil nu'ng nakaraang mediacon, sinabi niyang game na rin siyang mag-drag queen. 


Kaya wait to the max talaga kami kesehodang past 12 midnight na kami nakauwi para lang makita kung may special number si Ice.


'Yun pala, may kakaibang pasabog ang mister ni former FDCP Chair Liza Diño!


Well, hindi man nagbihis na pang-drag queen si Ice, nakipag-showdown naman ito sa stage at nakipagsabayang gumiling-giling sa mga macho dancers-performers ng Rampa Bar.


Abangan natin sa February 10 na opening ng Rampa Bar kung ano na naman ang bagong pasabog ni Ice. O baka pati ang ibang owners ng bar ay may sarili ring pasabog?! Hahaha!

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page