top of page
Search
BULGAR

Na-trauma na raw sa ex, go pa rin sa bagong labs…ZEINAB AT RAY PARKS, IKAKASAL NA!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 9, 2024



Showbiz News

Engaged na ang content creator na si Zeinab Harake at ang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.. Inanunsiyo mismo ito ng magdyowa sa kanilang social media account last Sunday.


Makikita sa mga larawang ibinahagi nila sa Instagram (IG) ang ilang mga kaganapan sa proposal/engagement na naganap.


Sa isang photo ay makikita ang pagluhod ng basketball player kay Zeinab hawak ang singsing. Makikita rin sa ilang larawan na parehong naging emosyonal sina Zeinab at Ray habang nagaganap ang proposal. 


Isang maikling “YES!” lang ang caption ni Zeinab sa mga larawan.


Kasabay nito ay inilabas din ng content creator sa kanyang vlog sa YouTube ang naganap na proposal. Mapapanood sa vlog kung paano pinaghandaan ng basketbolista ang bonggang proposal. 


Ang alam ni Zeinab ay pupunta sila sa isang birthday party ng kanilang kaibigan. Pagdating sa venue ay medyo nakahalata si Zeinab at sey niya, “Hindi ‘to birthday ni Donna.”


Nang bumukas ang mga ilaw ay makikita na nga si Ray na nakatayo sa gitna with matching “Marry Me” led lights.


Sey ni Zeinab habang lumalapit siya sa kinaroroonan ng boyfriend, “Sabi ko na, eh.”

Paglapit ni Zeinab ay sinabi na nga ni Ray ang kanyang proposal speech.


“I am truly blessed to call you my best friend, my lover, and my biggest supporter and I hope that you feel the same way towards me. I want to continue to build a Christ-centered relationship in which I will lead and serve with the best of my abilities,” bahagi ng speech ng basketball player.


“Your genuine, loving, compassionate heart are the crown of your beauty. You and the kids are my home and I can’t imagine life without y’all. With that I brought all of our friends, family, and loved ones here today to bear witness and ask you one thing,” patuloy niya.


“Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world? Will you marry me?” ang tanong ni Ray kay Zeinab nang nakaluhod. 


Of course, “Yes!” ang sagot ni Zeinab at emosyonal silang nagyakap.

Ang nasabing proposal ay nasaksihan din ng pamilya ni Zeinab kabilang na ang dalawang anak ng content creator na sina Bia at Lucas.


Ayon naman kay Zeinab, hindi na sana siya naniniwala sa kasal dahil sa mga pinagdaanan niya pero nang dumating si Ray sa buhay niya ay nag-iba ang kanyang pananaw.


“Hindi ako naniniwala sa kasal dahil na rin sa mga pinagdaanan ko, pero nu’ng dumating si Ray sa buhay ko, du’n ko naano ‘yung sarili ko na magse-settle ako sa taong ‘to kasi nakikita ko sa kanya ang future na alam n’yang maiintindihan n’ya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon pa ng buhay namin,” sey ni Zeinab.


“Sumugal ako ngayon with our lives talaga, buhay naming tatlo ng bata, ibinibigay ko sa ‘yo kasi naniniwala ako sa Diyos, sa ‘yo and deserve mo ang yes,” pahayag pa ng content creator.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page