ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 28, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_895da93e26624bdb8ebd451b1f8f766c~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_895da93e26624bdb8ebd451b1f8f766c~mv2.jpg)
Nasa mahigit 50 balyena ang namatay matapos na ma-stranded sa Western Australia.
Batay sa Parks and Wildlife Service ng Western Australia, marami umanong mga pilot whales ang napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat kaya hindi ito nakaalis.
Agad na nagmadali ang mga volunteers na maitaboy sa malalim na bahagi ang mga balyena para sila ay mabuhay pa. Ayon sa mga eksperto, kaya napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat ang mga balyena ay maaaring may mga iniwasan itong mga kalaban o mga sasakyang pandagat.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay mayroong 50 pilot whales din ang nasawi matapos na ma-stranded sa northwestern Scottish island.
Kommentare