top of page
Search
  • BULGAR

Na-miss daw sigurong madyombag… ANA, KINUMPIRMANG NAGKABALIKAN NA SILA NI KIT

ni Julie Bonifacio @Winner | September 16, 2024



Showbiz News

May kumakalat na post sa socmed na may account name ng pangalan ng sexy star na si Ana Jalandoni. Ang username na ginamit ay @realanajalandoni na may blue check na kasunod ng apelyido ng sexy star.


Ang post na galing sa username na @realanajalandoni na kumalat sa socmed ay naglalaman ng pahayag tungkol sa isyung nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Kit Thompson. 


Heto ang nakasulat sa post, “Yes po, totoo pong nagkabalikan kami ni Kit. Kapag mahal mo po kasi ‘yung tao kahit gaano pa po kabigat ‘yung ginawa n’ya po ay mapapatawad mo talaga. ‘Yun po ang true love para sa ‘kin.”


Few months ago ay may “bulung-bulungan” na  nagkabalikan na sina Kit at Ana pagkatapos ng iskandalong nangyari sa dalawa sa isang hotel sa Tagaytay City noong 2022. 


May mga nakakakita raw kasi na magkasama sina Kit at Ana sa ilang public places, kaya nagkaroon ng tsika na nagkabalikan na sila.

Hindi raw maaaring magkamali ang mga nakakita at nakakakilala sa kanila, especially kay Kit.


Also, kalat na rin daw sa mga taga-showbiz ang tsikang nagkabalikan na ang dalawa. Kumbaga, parang open secret na raw ang isyung balikan nina Kit at Ana sa showbiz at sa public.


Dahil dito, nausisa na si Ana ng ilang mga nasa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang showbiz event last May tungkol sa bulung-bulungan na nagkabalikan na sila ni Kit.

Sa interbyu ng PEP kay Ana, sinabi ng sexy star na hindi niya priority ang kanyang love life at natawa when asked na nagbalikan sila ni Kit.


To be exact, eto ang pahayag ni Ana sa PEP,  “Okey naman kami, we’re friends. (On) Good terms naman kami.”


Nag-uusap daw sila ni Kit dahil iisa lang ang kanilang management, ang Cornerstone Entertainment, pero hindi naman daw madalas.


Recently, nakunan din ng reaksiyon si Kit ng PEP  sa tsikang balikan nila ni Ana habang nagpo-promote ng latest movie ang controversial male star.

Sey ni Kit sa PEP, “No! Hindi.”


But when asked kung kumusta sila ni Ana, “Okey naman kami, we’re actually good. So, yeah.”


Ang bongga, ‘di ba? Okay and good na raw sila ni Ana. Pero ang mga netizens, nalurky din sa “galawan” ng ex-lovers.


Sey ng mga Marites:


“Marupok si Ate n’yo.”


“Pabugbog ka uli, nakakatakot n’yan ‘pag natuluyan ka (cry emoji). Once manakit ang lalaki, nananakit talaga ‘yan for life. Dapat no 2nd chance.”


“Abuser will always be an abuser.”


“Sadists and masochists.”


“Na-miss n’ya ‘yung bugbog at black eye.”


‘Yun na!


 

INAMIN ni QC First District Representative Arjo Atayde na “tinatrabaho” nila ng misis niyang si Maine Mendoza ang pagkakaroon ng baby. Pero siyempre, only God knows kung kailan ibibigay ang kanilang firstborn. 


Kaya huwag mainip ang mga atat na gusto nang magka-baby sina Cong. Arjo at Maine. Kailan lang naman sila ikinasal at ‘di pa naman katandaan ang mag-asawa para magpa-pressure na magka-baby na.


Feeling namin, marami pang gustong ipagawa kay Cong. Arjo ang Itaas.

And so far,  nag-e-excel si Cong. Arjo sa lahat ng ginagawa niya ngayon as a husband, son, brother, public servant and actor.  For sure, greater things are in store for Cong. Arjo.


Like recently, big winner siya sa 2024 ContentAsia Awards dahil itinanghal siya bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.


Ang Cattleya Killer ay isang Filipino crime-thriller series mula sa ABS-CBN at Nathan Studios at sa direksiyon nina Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao. 


Nag-premiere ito globally sa Prime Video noong June 1, 2023.


Nakakuha ang show ng worldwide acclaim for its gripping plot, high production value, and strong performances, lalo na si Arjo, kaya naman nakaposisyon ang Cattleya Killer bilang isa sa mga most significant Filipino crime dramas in recent years.


Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024.


Winner din si Arjo ng Best Actor sa Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman noong 2020.


May balitang hahalili sa kanya bilang First  District Representative ang kanyang ina at multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez habang magko-concentrate na si Cong. Arjo sa kanyang showbiz career.


“No, it’s not true. My mom is not replacing me. I have much to do. We have been working very hard in the district and as a promise to my responsibility for my commitment to the people, from this month, actually, from last month pa, nu’ng natapos ko ‘yung my ibang commitments, I was able to keep myself free until after elections as well. So that I can focus of course in the district,” paliwanag ni Cong. Arjo. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page