ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 16, 2024
Photo: Dennis Trillo / IG
Uso ngayon ang pagsusuot ng crop top ng mga kalalakihan. Isa na rito ang husband ni Jennylyn Mercado na si Dennis Trillo, ang daming naaliw nang mag-crop top ang actor habang nasa Tokyo Disneyland ang mag-asawa.
Ayon sa mga netizens ay bagay umano sa aktor ang crop top outfit kesa sa two-time gold Olympian na si Carlos Yulo. Pero, hindi pala roon nagtatapos ang pagsusuot ng midriff ng Kapuso aktor.
May post na naman siya sa kanyang Instagram (IG) page na naka-crop top na may dalawang kasama.
Ang caption, “Hello, mga Kapusod!”
Una nang nagkomento ang misis niyang si Jennylyn, “Naghalungkat ka na naman ng closet ko! Ibalik mo ‘yan, ha?”
Ang sagot ng aktor, “Pahiram lang naman!”
Sey ng mga netizens:
“Gigil ako kay Col. Yuta (karakter ni Dennis sa Pulang Araw), kaya lang bigla kong naalala ang suot n’ya na crop top sa Disneyland. Natatawa ako.”
“Col. Yuta ‘pag wala sa duty.”
“Hala, ‘yung napagalitan ni @jennylynmercado.”
Mukhang hindi nga titigil sa crop top outfit ang aktor hangga’t hindi n’ya nauubos ang biniling midriff sa Tokyo Disneyland tulad ng sinabi niya sa komento.
May isang netizen kasi ang nagkomento na tigilan na niya ang crop top outfit. Though natatawa raw siya ay nandidiri siya at naninindig ang kanyang balahibo.
Sagot nga ng aktor, “Sorry po, pero nakabili na ‘ko ng marami.”
‘Yun na!
Mana sa padir…
ANAK NINA ANDI AT PHILMAR, YOUNGEST SURFING CHAMP SA EDAD NA 5
WINNER ang 5-anyos na anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo dahil siya ang youngest surfer awardee kung saan nagmana siya sa ama.
Nagpamalas si Lilo ng kanyang surfing skills sa third Mayor Sol’s invitational surfing competition last October 7.
Sa Instagram (IG) Stories ni Philmar, he showed off his daughter with her participation certificate as well as the youngest surfer award.
Ibinahagi rin ng municipal mayor sa kanyang Facebook (FB) page ang mga larawan ng bagets.
Sa nasabing competition, si Alipayo ang nag-champion sa men’s longboard category.
Si Lilo, ang eldest na anak nina Andi at Philmar ay nag-umpisang mag-surfing since two years old pa lang. Sa edad tatlo ay nag-umpisa na siyang sumakay mag-isa sa surfing board.
Lilo marked her first-ever competition last September.
Samantala, kamakailan lang ay na-bash si Andi dahil imbes daw sa school mag-focus si Lilo ay pinagse-surfing na ito.
“She’s doing both, and excelling in both. Thanks very much,” ang sagot ng celebrity mom.
Comments