top of page
Search
  • BULGAR

Na-divorce nu’ng 2022… MICHELLE, IKAKASAL NA ULI

ni Beth Gelena @Bulgary | June 16, 2024



Showbiz news

Kinumpirma ni Michelle Madrigal na she’s engaged. Aniya, “Yes, I am marrying the man God sent me.”


Sa kanyang Instagram (IG) Story, ang aktres-turned realtor ay nagbigay ng pahayag ilang linggo pagkatapos ng soft-launching ng kanyang bagong relasyon na ngayon ay fiancé na niya.


“Damn if you do, damn if you don’t,” ani ng aktres.  


“No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you.


“I’ve kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision,” dagdag pa niya.


Aniya, “But yes, I am marrying the man God sent me during my waiting season.”

Last May, casual na ini-reveal ni Michelle sa kanyang IG video na sila ay nag-date ng kanyang fiancé. 


Hindi niya ipinakita ang face nito, pero ifinlex niya ang singsing. 


Na-confuse ang mga supporters ng aktres dahil first time nilang narinig ang bagong relationship ni Michelle.


Ang aktres ay dating ikinasal kay Troy Woolfolk, pero nag-divorce sila nu’ng 2022. May isa silang anak na si Anika, born in 2017.


 

Ang dami na talagang naghihintay sa reunion project ng magka-love team na Jolina Magdangal at Marvin Agustin. 


Parehong nag-post sa kanilang Instagram (IG) page ang MarJo (Marvin at Jolina) ng larawan nila kasama ang dalawang award-winning directors na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas. 


Tanong agad ng mga netizens ay kung may nilulutong project ba ang dating love team. 

Excited ang reaksiyon ng kanilang mga fans dahil matagal na silang naghihintay na gumawa ng movie ang MarJo. 


Hindi maitatanggi na sumikat ang love team ng dalawa nu’ng kanilang kapanahunan (1990s). 


Nu’ng 2019 ay napabalitang magkakaroon ng reunion movie sina Jolens at Marvin pero hindi natuloy. 


Sa 20th anniversary ng kanilang blockbuster movie, ang Labs Kita, Okey Ka Lang, nabanggit ni Jolens na gusto niyang magkaroon sila ni Marvin ng reunion project na konektado sa kanilang iconic characters bilang Bujoy at Ned. 


“Gusto namin, pelikula, eh. Either co-prod or talagang hands-on kami ru’n sa project, du’n sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin ay something na konektado sa Labs Kita, Okey Ka Lang?. Kasi 20 years na ‘yung pelikulang ‘yun, eh. So ano’ng nangyari kay Ned at Bujoy talaga, ‘di ba?”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page