top of page
Search
BULGAR

Na-bash sa joke na mag-candlelight dinner… NIÑA SA MGA BIKTIMA NG BAGYO: KONTING TIIS LANG PO

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 27, 2024



Photo: Mayor Niña Jose-Quiambao


Pinuputakti ngayon ng kritisismo ang aktres-mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Niña Jose dahil sa kanyang ‘insensitive’ post.


Dahil sa pagsalanta ng Bagyong Kristine, maraming probinsiya ang nawalan ng kuryente at isa na rito ang pinamumunuang bayan ni Niña, ang Bayambang.


Nag-post ang mayora na para sa mga netizens ay insensitibo.


Nagbiro kasi si Mayor Niña na mag-candlelight dinner date muna habang brownout.

Agad namang nag-react si Niña, ini-revise niya ang post at idinelete ang una.


Heto ang bagong post ng Bayambang mayor na naka-post sa kanyang Facebook (FB) official account.


“Hello po sa aking mga minamahal na Bayambangeños, alam ko kung gaano po nakakainis na wala pa pong kuryente ang ibang parte ng bayan natin but konting pasensiya lang po, Cenpelco is fixing the electricity lines 24/7 na po. Kaya konting pasensiya na lang po as per Cenpelco 4 barangays na lang po ang wala pang ilaw, iilan sa inyo ay sensitive ang pinagdadaanan, kakaanak lang, may mga babies din, konting tiis lang po (heart emoji), we are in contact with Cenpelco. If hindi n’yo kaya ‘yung brownout po pywede po kayo tumawag sa MDR natin and you can stay sa evacuation centers instead. Thank you po, please stay safe and ingat po tayong lahat, also tandaan natin na posibleng babalik si Kristine because of the Fujiwara effect. So sa aking mga minamahal na kababayan, expect na malakas pa rin po ang hangin at ulan.”


Komento ng isa niyang constituent, “I have read bad comment kanina I felt sad. You don’t appreciate your mayor na napakabuti at hands-on sa nasasakupan. I'm very proud of you mayor.”


Eto naman ang komento ng isa na tila may pahaging sa unang post ng mayora:

“Hello, Mayor. In times like these, it’s important to approach situations with the seriousness they deserve, especially when so many people have been affected by the typhoon. We should always practice empathy and sympathy, and I hope public officials, in particular, can lead by example. My thoughts and prayers are with everyone for their safety and well-being, including you, Mayor. God bless.”


“@Angel Panagsagan Espartero Thank you, your comment is appreciated,” reply ni Quiambao.


Maraming humanga sa ginawa ni Niña Jose-Quiambao. Imbes na buweltahan ang mga bashers sa una niyang post ay kinorek niya ang una niyang nasabi.

 

Um-attend si Mariel Padilla sa kasal ng kaibigan niyang si Grace Lee kay Alex Tiu.

Very intimate ang wedding ng dalawang personalidad.


Nasa wedding din ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto at ang mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola.


May post na larawan si Mariel kasama ang bride at si Rufa Mae.

Aniya sa caption: “Congratulations @gracelee_1004 and ALEX! Wishing you both all the best! So happy to witness your love and promise to forever!”


Nag-react ang newly bride sa post ng kaibigan, “Thank you for coming. Love you!”

Ang wedding ceremony ay ginanap sa SaRang Church, Seoul, Korea at ang reception ay sa 81F Signiel Seoul.


 

VERY happy si KC Concepcion dahil hindi niya inaasahang magkikita sila ng kanyang Lola Helen Gamboa sa Pilate Studio.


Ani KC, “Life’s been a mix of work, self-care, and vibing with good energy lately. Grounded and grateful.


“Bonus happy moments this week? Bumping into my grandma @helenstito at the Pilate Studio for our morning sesh!”


Tanong ng isang netizen, “Para saan ang ice bath po?”

Sey ng mga netizens:


“Ice bath, one way of body shocking is known for muscle recovery, mental health, boosting immune system.”


“Lalong blooming ngayon si KC.”

“In love po siguro si madam @kristinaconcepcion.”

“I think they are back together @alybor11.”

“I know it’s BIG NO for business only.”


Sa photo, may number 10 sa flowers, kaya komento ng follower, “Sobrang kilig ako sa ibang nakita ko @kcconcepcion.”


“Excited na kung anuman ang project mo, KC. Miss ka na namin.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page