ni Lolet Abania | June 9, 2021
Pormal na nagbitiw bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Philippine Long Distance Telecommunications (PLDT) si Chairman Manny Pangilinan (MVP).
Sa ginanap na virtual annual stockholders meeting ng kumpanya kahapon, ayon kay Pangilinan, ang kanyang tungkulin bilang pangulo at CEO ng PLDT ay ibibigay niya kay PLDT Chief Revenue Officer at Smart Communications President and CEO Alfredo Panlilio.
“I now lay down my charge, I will continue to be your chairman and as such I will always follow the affairs and fortunes of our company with profound interest,” ani MVP.
Inianunsiyo ni Pangilinan ang pagbibitiw sa gitna ng matinding kompetisyong kinakaharap sa tinaguriang telco “duopoly” ng Globe Telecom at PLDT kasama na rin ang pagdating ng DITO Telecommunity.
Noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangilinan na si Panlilio ang kanyang magiging successor sa ginanap na first quarter results ng kumpanya sa press briefing dahil si Panlilio ay nagsisilbing chief revenue officer ng PLDT at president at CEO ng Smart Communications.
Comments