ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 13, 2021
Pumanaw na ngayong Huwebes ang high-profile inmate na si Ruben Ecleo, Jr. na nakulong sa kasong murder at graft charges.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag, alas-12:20 nang tanghali nang pumanaw si Ecleo sa New Bilibid Prison Hospital dahil sa cardiopulmonary disease.
Pahayag pa ni Chaclag, “[His] other medical conditions include obstructive jaundice, chronic kidney disease secondary to obstructive uropathy.”
Si Ecleo ay dating congressman ng Dinagat at isa ring cult leader na sinentensiyahan ng life imprisonment dahil sa pagpatay sa kanyang asawa noong 2002.
Napatunayan ding guilty si Ecleo sa 3 graft charges kung saan 31 years imprisonment ang ipinataw sa kanya.
Comments