ni Angela Fernando - Trainee @News | April 6, 2024
Kanselado ang matagal nang ipinangakong murang sasakyan ng Tesla, ayon sa mga source ng Reuters.
Magpapatuloy pa rin ang nasabing automaker sa pag-develop ng self-driving robotaxis sa parehas at maliit na platform ng sasakyan.
Matatandaang madalas na tinutukoy ni Elon Musk, ang punong tagapagpaganap ng Tesla, na maglalabas sila ng mga abot-kayang electric cars na para sa masa.
Ito ang kanyang unang "master plan" para sa kumpanya nu'ng 2006 ay nagtakda na unahin ang paggawa ng mga mamahaling modelo, pagkatapos gamitin ang kita upang pondohan ang mganmurang sasakyang pampamilya.
Samantala, nakikita ng publikong pag-abandona sa pangako ang naging desisyon ng Tesla na kanselahin ang kanilang planong murang sasakyan.
Comments