top of page
Search
BULGAR

Muntinlupa LGU, pinarangalan ng DILG at PCCI

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 6, 2023




Kinilala ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa bilang 2023 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards.


Ipinagkaloob ito ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Department of the Interior and Local Government (DILG).


Tumanggap din ang Muntinlupa LGU ng walong malalaking papuri sa 2023 Urban Governance Exemplar Awards na itinaguyod ng DILG.


"Indeed, we have many, many reasons to be proud of our city. But most of all, we are very grateful for the validation of our efforts to make life better for all Muntinlupeños. Mabuhay tayo!" ani Mayor Ruffy Biazon.


Nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng espesyal na pagkilala mula sa PCCI para sa patuloy na pagtutok sa kahusayan sa mga transaksyon ng negosyo, tulad ng multi-award-winning Business One-Stop Shop (BOSS) system.


Matatandaan na ilang beses nang kinilala ng PCCI ang Muntinlupa bilang Most Business-Friendly LGU sa buong bansa dahil sa kanilang makabago at makataong paraan ng mga transaksyon sa negosyo.


Samantala, nagawaran ng papuri ang pamahalaang lungsod mula sa DILG sa mga sumusunod na larangan: Anti-Drug Abuse Council Performance Audit; Child-friendly Local Governance Audit; Local Committee on Anti-Trafficking-Violence Against Women and their Children Functionality Audit; Local Council for the Protection of Children Functionality Audit; Peace and Order Council Performance Audit; Implementation of the Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program; at Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kalinga Regional Recognition.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page