top of page
Search
  • BULGAR

Muntik na, Vilma, umatras lang… JESSY, NAUNTOG NA ‘DI MADALING MAKIPAGHIWALAY KAY LUIS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 12, 2024



Showbiz News

Umamin si Jessy Mendiola na muntik na silang maghiwalay ni Luis Manzano. 

Ayon kay Jessy, nagkaroon sila ng marital problem noon. Nabanggit na rin daw niya ang kanilang problema sa kanyang mother-in-law na si Vilma Santos at ipinaalam ang kanyang desisyon na makipaghiwalay na kay Luis. 


Sey pa ni Jessy, ang dahilan ng kanilang pag-aaway ay ang mga kaibigan o barkada ni Luis na bad influence at hindi niya magawang layuan. 


Dahil dito, naapektuhan ang kanilang pagsasama at dumating sa punto na gusto na niyang hiwalayan ang asawa. 


Ngunit na-realize ni Jessy na kasal sila ni Luis at hindi ganu’n kadali ang makipaghiwalay. Kaya, ipinaglaban niya ang kanilang marriage at hindi siya bumitaw. 


Mabuti na lamang at napag-isipan din ni Luis Manzano ang kanyang pagkakamali at pagkukulang, at pinili niyang iwasan ang kanyang mga barkada para sa kanyang pamilya.


 

Masayang-masaya at proud parents sina Sen. Lito Lapid at Marissa Tadeo-Lapid dahil nakatapos ng doctorate degree ang kanilang anak na si Mark Lapid. 


Si Mark ang Chief Operating Officer (COO) ngayon ng TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority). 


Sa kabila ng kanyang abalang tungkulin sa TIEZA, nagawa ni Mark na tapusin ang kanyang Doctorate in Business Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). 


Ang kanyang doctorate degree ay iniaalay ni Mark sa kanyang mga magulang, sa kanyang asawa na si Tanya Garcia-Lapid at sa kanilang mga anak. 


Naging hamon kay Mark ang pangarap noon ng kanyang amang si Sen. Lito na makapagtapos ng kolehiyo. Dahil sa kahirapan ay hanggang high school lang ang inabot nito. 


Para naman kay Sen. Lito Lapid, mahalaga ang edukasyon para sa mga kabataan. Ito ang magiging sandigan nila upang magkaroon ng magandang future at makaahon sa kahirapan. 


Sinasabi rin ni Sen. Lito sa kanyang mga apo na huwag kainggitan ang kanyang kasikatan bilang artista. 


Si Mark Lapid, kahit sumabak na dati sa pulitika ay hindi pa rin tuluyang nakawala sa showbiz. Ngayon, bahagi siya ng action seryeng Batang Quiapo (BQ) kung saan gumaganap siya sa karakter na si Ben.


 

DAHIL siya ang tatay, sinisiguro ni Benjie Paras na hindi ‘chickboy’ o babaero ang kanyang mga anak na sina Kobe at Andre Paras. One-woman man daw ang mga ito at hindi nakikipagrelasyon nang sabay-sabay.  


Kung ganu’n, nakatitiyak si Kyline Alcantara na siya lang ang special someone ni Kobe ngayon.


Nakikita naman ng lahat na mukhang seryoso si Kobe sa kanyang intensiyon kay Kyline, more than friends man o hindi. In fact, ipinakilala na ni Kobe ang aktres sa kanyang pamilya. 


Twenty-six years old na si Kobe at puwede na siyang magkaroon ng sariling pamilya kung gugustuhin niya. Ang problema lang, hindi pa ito financially stable kahit pa nakabukod na ng bahay kay Benjie.


Well, ang wish lang ni Benjie para kay Kobe ay ipagpatuloy nito ang basketball career nang makapag-ipon para sa kanyang future lalo't hindi na ito bumabata. 


Si Kyline naman ay showbiz career din ang focus ngayon bilang magaling na aktres.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page