ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 16, 2025
Photo: Kim Chiu - IG
Aminado si Kim Chiu na naranasan na niya ang sumadsad talaga ang career at kumbaga, ma-hit nang rock bottom.
Ito raw ay noong time na nagkaroon ng kontrobersiya sa kanya dahil sa ‘bawal lumabas’ statement niya.
Matatandaang matinding pamba-bash naman talaga ang naranasan ng aktres during those times kung saan nga ay nagbitiw siya ng nakakalitong statement noong 2020 tungkol sa batas ng classroom.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalimutan ni Kimmy at naalala na naman niya itong muli sa It’s Showtime (IS) nitong nakaraang Miyerkules.
Kim revealed na pinlano na raw niyang umalis na sa showbiz at magpunta na lang sila sa Canada ng pamilya.
“Uuwi na akong Canada talaga. As in nag-aalsa-balutan na kami,” aniya.
Biniro naman siya ni Vice Ganda na sinabi nga niyang bawal lumabas pero siya pala ang mag-aalsa-balutan. Tawa nang tawa ang aktres.
Pero sey niya ulit, “Totoo ‘yun. Kasi lahat ng tao, parang bobong-bobo na sa ‘kin. ‘Yung parang ‘Ano ‘to? Nakasagasa ba ako ng isang barangay?’”
Sabi naman ni Vhong Navarro, “Pero nakita mo naman, nagbenta ka pa ng merch, ‘bawal lumabas.’ Kita mo, pinagkakitaan pa talaga, ‘di ba?”
Um-agree naman si Vice at aniya, “You were able to turn it around with the help of wonderful people around you.”
Na-teary-eyed naman si Kim, at aniya, “Totoo, give-up na talaga, ayoko na mag-artista, uwi na ako, pero ‘eto pa rin ako.”
In fairness, madali namang nakabawi si Kim Chiu at ngayon nga ay patuloy pa ring namamayagpag ang career.
Sinalubong ni Heart Evangelista ang kanyang 40th birthday sa pamamagitan ng engrandeng selebrasyon na nagsimula nu’ng Feb. 13 ng gabi hanggang sa kanyang mismong kaarawan na Feb. 14.
Makikita sa series of Instagram (IG) Story ng fashion global icon ang mga kaganapan sa glamorosang birthday party na dinaluhan ng kanyang family and friends. Of course, hindi puwedeng mawala ang kanyang mister na si Senate President Chiz Escudero na laging nasa tabi niya during the party.
Ibinahagi rin ni Heart sa kanyang Instagram post ang mamahaling gold birthday gown niya na gift ng Christian Dior.
Makikita rin sa IG Story ni Heart na dumalo si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at inalayan ng mga awitin ang birthday girl.
It turned out na surprise pala ni Sen. Chiz sa kanyang wifey ang pagdating ni Gary V. At siya mismo ang personal na pumili ng mga kantang inawit ng OPM icon para kay Heart.
Dumalo rin si Bea Alonzo sa party base na rin sa IG Story ni Heart, gayundin ang singer na si Mark Bautista.
“#becoming40 is just 20, but with better decisions and an earlier bedtime,” sey ni Heart sa kanyang post.
“I’m stepping into this next chapter with so much gratitude, knowing every step has brought me exactly here, to this moment,” pahayag pa niya.
Sa IG naman ni Sen. Chiz ay nagbigay din siya ng sweet birthday and anniversary message para sa kanyang wifey. Kahapon (Feb. 15) ay ipinagdiwang naman nila ang kanilang wedding anniversary.
“They say life begins at 40. And if that’s true, then yours is just getting started!
“Happy 40th birthday, babe @iamhearte. Continue to soar higher! We are all cheering for you every step of the way.
“Tomorrow, we also celebrate a decade of love, commitment, trust, and shared dreams on our wedding anniversary. It feels like only yesterday when we were beginning our own incredible journey as husband and wife.
“You are one of life’s greatest blessings that have enriched our lives. Your presence makes every day brighter. And for that, I will always have your back,” mensahe ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista.
Comentarios