top of page
Search
BULGAR

Muling pagsampa sa barko, nakatakda sa seaman

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 20, 2024




Dear Maestro,


Sa kasalukuyan ay nag-a-apply ako sa barko bilang seafarer. Dati na akong nakapag-barko, pero dahil sa pandemya, napababa kami at ngayon ay unti-unti nang nagre-resume ang operation. Gusto kong malaman kung matutuloy ba ako ngayong 2024 o sa susunod pang taon?


May isang kaibigan na tumutulong sa akin, isinilang siya noong February 17, 1989, mataas ang katungkulan niya sa barko at ako ang inirerekomenda niya na makasama. Paborable ba ang magiging tulong niya sa akin o suwerte ba ako sa kakilala kong ito? Isinilang ako noong June 23, 1988.


 

Umaasa,

Justine ng Pritil, Guiguinto, Bulacan

 

 

Dear Justine,


Ayon sa zodiac sign mong Gemini, tunay ngang compatible kayo ng sinasabi mong kaibigan na isinilang noong February 17, 1989. Sapagkat ang zodiac sign niyang Aquarius at ikaw naman ay Gemini ay kapwa pinaghaharian ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, malaki ang maitutulong niya sa iyo at kapag kayo ay nagtulungan at nagsama, may malaking pag-unlad ang mangyayari sa inyong pagkakaibigan. 


Habang ang birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ng iyong kaibigan ay sobrang tugma rin sa birth date mong 23 o 5 (ang 23 ay 2+3=5) kung saan sinasabing ang pagsasama ng Taong Otso (8) at Singko (5) ay nagiging maunlad at masagana. Kaya naman bukod sa tulong na ipagkakaloob niya sa iyo, sa sandaling nagsama kayo sa isang venture, business o negosyo, tiyak na magtatagumpay at yayaman kayong dalawa. 


At pagpinagsama-sama ang mga datos na binanggit sa itaas, lalo na’t may malinaw at maaliwalas na Travel Line sa kaliwa at kanan mong palad, sigurado na ang magaganap. Sa taong ito ng 2024, sa buwan ng Mayo o Hulyo, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page