ni Jasmin Joy Evangelista | December 1, 2021
Oobserbahan muna ng Metro Manila Mayors ang muling pagpapatupad ng number coding tuwing rush hour sa hapon na magsisimula ngayong araw, Disyembre 1.
“If it won’t work, we will make it in the mornings. And if it will not work again, we will make it whole day,” ani MMDA chairman Benhur Abalos.
Tungkol naman sa kung paano matutukoy ng traffic enforcers ang mga TNVS sa private motorists, sinabi ng MMDA chairman na nakikipag-ugnayan na sila sa Grab Philippines upang magkabit ng stickers sa sasakyan ng mga partner-drivers nito.
Sinabi rin ni Abalos na exempted sa coding policy ang mga emergency.
“If it’s not an emergency, just follow the rules. Everyone should really follow... Our policy is not so stringent, it’s only three hours a day,” paliwanag niya.
Base sa pag-aaral ng MMDA, kapag naipatupad na ang number coding ay mababawasan ng 2,700 na sasakyan ang bumabiyahe sa EDSA.
Comments