top of page
Search
BULGAR

Muling pagbubukas ng Metropolitan Theater, postponed

ni Lolet Abania | June 9, 2021




Nagdesisyon ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Metropolitan Theater na iurong ang pagpapasinaya sa teatro dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.


Nakatakda sanang magbukas sa June 12, subalit napagpasyahan ng Met na ang nai-post na pagpapalabas ng “Lapulapu, Ang Datu ng Mactan” ay i-postpone muna at maglalabas na lamang sila ng anunsiyo para sa petsa ng showing nito.


Sa isang statement sa Facebook page nila ngayong Miyerkules, ayon sa NCCA, prayoridad ng Met ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa na kasama sa production nito, kabilang din ang lahat ng kanilang stakeholders.


“We assure the public that all activities leading to the launch are undertaken with the most stringent safety protocols, in accordance with the recommendations of IATF, FDCP, DOLE and NLECPh,” ayon sa NCCA. “The production and artistic teams, together with the artists, continue to work to provide you an unforgettable show, befitting this momentous event,” dagdag pa nito.


Iaanunsiyo na lamang daw nila ang mga updates tungkol sa mga bagong iskedyul sa mga susunod na araw sa kanilang Facebook page.


Matatandaang nitong nakaraang January, nagbigay ang NCCA ng isang pasulyap para sa pinakabago at naisaayos nang Met, na isinara noong taong 1996.


“The inauguration of the new Met is the culmination of a long arduous journey. This has been made possible by the determined effort of a long line of individuals who share a common dream to bring back to life one of our nation's cultural treasures,” sabi noon ni NCCA Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.


“We will strive to do our best to be worthy of this collective effort as well as the high expectations of our people,” saad pa ni Lizaso. Noong 2015 nang bilhin ng NCCA ang Met mula sa Government Service Insurance System at dito sinimulan ang rehabilitation nito.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page