ni Zel Fernandez | May 1, 2022
Ngayong Mayo 1, kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP), sa pakikipagtulungan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang culminating activity ng ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ sa People Power Monument sa Quezon City.
Sa temang, ‘Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran,’ ang Duterte Legacy Caravan ay naglalayon umanong maipabatid sa publiko ang mga landmark programs ng gobyerno tungo sa hinahangad na tunay na pagbabago at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa bansa.
Kaugnay ito ng pagtalima sa Executive Order (EO) No. 137 na nagpapalawig ng ‘Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program’ upang mapabuti ang agency coordination at collaboration sa pamamahagi ng mga tulong o suporta sa mga mamamayang Pilipino.
Ang naturang Caravan, na pinaigting katuwang ang Integrated Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP), ay tinitiyak na tutulong at susuporta sa mga Pinoy sa panahon ng mga emergencies tulad ng kasalukuyang pandemya dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Comments