top of page
Search

Mula Okt. 31-Nob. 2… Ilang kalsada isasara malapit sa Manila North Cemetery

BULGAR

ni Lolet Abania | October 22, 2022


Inanunsiyo ng lokal na gobyerno ng Manila na isasara nila ang ilang mga daan malapit sa Manila North Cemetery para ito sa paggunita ng All Saints’ Day o Undas ngayong taon.


Batay sa Manila City government, mula alas-10:00 ng gabi ng Lunes, Oktubre 31 hanggang alas-5:00 ng hapon ng Miyerkules, Nobyembre 2, ang mga sumusunod na kalsada ay kanilang isasara:


• Kahabaan ng Aurora Boulevard -- mula Dimasalang Rd. hanggang Rizal Avenue

• Kahabaan ng Dimasalang Rd. – mula Makiling St. hanggang Blumentritt Rd.

• Kahabaan ng P. Guevarra – mula Cavite St. hanggang Pampanga St.

• Kahabaan ng Blumentritt – mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra St.

• Kahabaan ng Retiro – mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt Ext.)

• Kahabaan ng Leonor Rivera – mula Cacite St. hanggang Aurora Blvd.


Pinapayuhan naman ng local government unit (LGU) ang mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs) na dumaan na muna sa mga sumusunod na alternatibong ruta:



• PUJs na manggagaling sa Rizal Avenue/Blumentritt, shall take a right to L. Rivera or Isagani then right to Antipolo to point of destination

• PUJs na manggagaling sa Amoranto St. (from Quezon City), shall take a right to Calavite then a right to A. Bonifacio Ave. to point of destination (Loading and unloading zone located before Amoranto/Calavite)

• PUJs na manggagaling sa Dimasalang shall take a right to Makiling St then may take a right to Maceda St. to point of destination (Loading and unloading zone located after Maceda/Makiling).


Samantala, ang mga inilaan o designated parking areas para sa mga bibisita sa Manila North Cemetery sa Undas ay ang mga sumusunod:


• Kahabaan ng Craig Street

• Kahabaan ng Simon Street

• Kahabaan ng F. Huertas Street

• Kahabaan ng Bulacan Street

• Kahabaan ng Tecson Street

• Kahabaan ng P. Guevarra Street

• Kahabaan ng Sulu Street

• Kahabaan ng Oroquieta Street

• Kahabaan ng Metrica Street

• Kahabaan ng Natividad Street

• Kahabaan ng M. Hizon Street

• Kahabaan ng Kalimbas Street


Pinapayuhan din ang mga motorista na huwag mag-park sa mga tow-away zones sa mga sumusunod na lugar:


• Retiro – Blumentritt (mula Aurora/Blumentritt hanggang Bonifacio Ave. na aabot hanggang Laon-Laan) at Dimasalang (mula North Cemetery Gate hanggang Makiling)

• Laon-Laan -- Dos Castillas, Don Quijote, Ma. Clara, Carola, at Aragon


Ayon sa staff ng sementeryo, asahan na tinatayang nasa 7 hanggang 10 milyong katao ang dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North Cemetery para sa Undas ngayong taon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page