ni Lolet Abania | October 22, 2021
Inianunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Biyernes na sasailalim ang ilang bahagi ng EDSA at España Boulevard sa Manila sa road reblocking at repairs ngayong weekend.
Ang mga road sections na apektado ng proyekto ay ang mga sumusunod:
• España Boulevard (mula Extramadura St. hanggang M. Dela Fuente St.)
• C.P Garcia Francisco St. hanggang Aguinaldo St. (second lane mula sa sidewalk)
• EDSA Tramo Flyover Aurora Blvd. (Tramo Off Ramp), Pasay City
• EDSA Quezon City bago ang Annapolis hanggang bago ang Boni Serrano flyover northbound (second lane mula sa sidewalk)
Ayon sa MMDA, magsisimula ang road reblocking at repairs ng alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Oktubre 22 at magtatapos ng alas-5:00 ng madaling-araw ng Lunes, Oktubre 25.
“Motorists are advised to take alternate routes instead,” sabi ng ahensiya.
Commenti