top of page
Search
BULGAR

Mga lumalabag sa health protocols sa Boracay, lalong tumaas

ni Jasmin Joy Evangelista | November 24, 2021




Tumaas ang bilang ng mga lumabag sa minimum health protocols sa Boracay matapos na ipatupad ang Alert Level 2 sa isla at buong lalawigan ng Aklan.


Ayon kay P/Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay Municipal Police Station, may naitalang mahigit 29 na paglabag sa minimum public health standards noong Nobyembre 21 lalo na ang hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa curfew hours na 12:00 a.m. hanggang 4:00 a.m.


Ang mga violators ay tiniketan na may multang P2,500.


Mayroon ding turista na nasita dahil sa pag-ihi sa frontbeach na paglabag sa Municipal Ordinance No. 311.


Matapos alisin sa requirements ang RT-PCR test sa mga fully vaccinated na turista, umaabot na sa 40,474 ang tourist arrivals simula Nobyembre 1 hanggang 21 o may average na 1,500 hanggang 2,000 na bisita kada araw.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page