top of page
Search
BULGAR

Mula Mayo 16 – Hunyo 1.. 10 lugar, nagpatupad ng water service interruptions — Maynilad

ni Lolet Abania | May 16, 2022



Sinimulan na ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ngayong Lunes, Mayo 16, ang kanilang implementasyon ng service interruptions sa 10 lugar upang mapangasiwaan ang lebel ng tubig sa reservoirs.


Ayon sa Maynilad, ang mga kostumer ay makararanas ng service interruptions mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw sa ilang bahagi ng mga sumusunod na lugar mula Mayo 16 hanggang Hunyo 1:


• Caloocan

• Makati

• Malabon

• Manila

• Navotas

• Parañaque

• Pasay

• Quezon

• Valenzuela

• Bulacan


Ayon sa Maynilad, ito ay para ma-manage nang maayos ang mabilis na pagbaba ng lebel ng tubig mula sa reservoirs sanhi ng mataas na demand ng tubig sa umaga.


“This will enable us to refill our reservoirs at night in preparation for the daytime peak demand,” paliwanag ng Maynilad.


Pinapayuhan naman ng Maynilad ang mga apektadong kostumer na agad na mag-ipon ng sapat na tubig habang available pa ito sa umaga.


Paalala ng Maynilad sa mga kostumer, kapag bumalik na ang serbisyo ng tubig, hayaan muna na dumaloy saglit ito hanggang sa maging malinaw na ang lumalabas na tubig.


Sinabi rin ng Maynilad, ang mga mobile water tankers ay naka-stand-by lamang at handang mag-deliver ng potable water kung kinakailangan. Alas-6:00 ng umaga ngayong Lunes, nai-record ang water level sa Angat Dam na nasa 191.11 meters, kung saan mas mababa kumpara sa normal high water level nito na 210 meters.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page