ni Lolet Abania | December 4, 2021
Simula sa Enero 2022, ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan kontra-COVID-19 ay hindi papayagan sa mga indoor at outdoor na mga establisimyento sa Cebu City.
Gayunman, ang mga nasa edad 11 at pababa na kasama ang kanilang mga magulang o guardian na fully vaccinated na ang papayagan sa mga establisimyento.
Dapat namang i-require ng mga establisimyento sa mga kustomer na magpakita ng kanilang vaccination cards bago pa ang mga ito pumasok.
Ang bigong gawin ang mga panuntunang ito ang magiging basehan para ipasara ang isang establisimyento.
Nakatakdang mag-isyu ang Cebu City local government unit (LGU) ng isang executive order hinggil dito sa Disyembre 29.
Comments