top of page
Search

Mula Dis. 20, 2021- Enero 2, 2022... Holiday break sa mga paaralan, idineklara ng DepEd

BULGAR

ni Lolet Abania | October 30, 2021



Inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) ngayong Sabado ang nakatakdang holiday break sa mga paaralan para sa school year 2021-2022 na mula Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.


Ayon sa DepEd, ang holiday break ay batay sa kanilang Order No. 29, Series of 2021. Magtatapos naman ang school year 2021-2022 sa Hunyo 24, 2022.


Samantala, idineklarang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Nobyembre 2, Disyembre 24, at Disyembre 31, 2022 bilang working days, kung saan ito ang ikalawang sunod na taon na hindi idineklarang public holidays ang mga naturang petsa.


Nakasaad sa Proclamation 1236 ng Pangulo na ang All Soul’s Day (Nob. 2), Christmas Eve (Dis. 24), at ang huling araw ng taon o New Year’s Eve (Dis. 31) ay idineklara bilang special working days.


Gayundin, sa nasabing proklamasyon, nakapagtala ng 10 regular holidays at anim na special non-working days.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page