top of page
Search

Aktres, pinadalhan ng flowers at sulat… MUKHA NI KIM, TINAKPAN SA TARPAULIN, PAIIMBESTIGAHAN NG INEENDORSONG BAKESHOP

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 19, 2025





Ipinost ni Kim Chiu sa Instagram (IG) ang natanggap na boxes ng Julie’s Bakeshop bread at letter na nangakong iimbestigahan ang nangyari sa isa nilang branch sa Davao. 


Tinakpan kasi ang mukha ni Kim sa tarpaulin sa isang branch ng bakeshop sa Davao at hindi malinaw kung dahil ba ‘yun sa isyu ng aktres sa mga supporters ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).


Kasama sa sulat ang: “Rest assured that we have already taken the necessary steps to address the matter.” 


Sagot ni Kim, “Just read the letter from my @juliesbakeshop family. They gave me flowers and a letter which I just read today. Thank you, fam! What a great way to start the week. Good morning, mga Ka-Freshness!!!”


Nagpasalamat sa Julie’s Bakeshop ang mga fans ni Kim sa aksiyon na kanilang gagawin. Gusto ring malaman ng mga fans kung kaninong desisyon ang pagtatakip sa mukha ni Kim dahil kung sa may franchisee, baka madamay ang mga workers na walang kinalaman. Kung desisyon naman ‘yun ng mga workers, kawawa ang franchisee, siya ang sisisihin.


Anyway, sa mga nabasa naming comments, nalaman naming franchisee si Kim ng Julie’s Bakeshop at hindi lang siya endorser. May franchise rin daw ang kapatid nito, kaya kailangan talaga ng imbestigasyon.


 

Balikan kay Liza, malabo na…

ENRIQUE, KAY NADINE NAMAN


PARANG lumalabo na matuloy ang reunion project nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa pagpirma ni Enrique at ng kanyang Slingshot Studios ng partnership venture sa MQuest Ventures na pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan (MVP). 


Sa unang pelikula raw na collab ng company ni Enrique at ng MQuest Ventures ay si Nadine Lustre ang kanyang makakasama.


Wala pang ibang detalye sa film project maliban sa adaptation daw ito ng isang hit Hong Kong (HK) movie. Ang gusto sana ng mga fans ni Enrique, original concept ang kanyang gawin para mas exciting. Pero, malay naman natin at maganda ang HK movie na pagsasamahan nila ni Nadine.


Multi-film agreement ang pinirmahan ni Enrique sa MQuest Ventures at gagawa siya ng local movies at international projects. 


So, from being a Kapamilya, Kapatid na ngayon si Enrique Gil.


Heto pa, gagawa rin siya ng mga endorsements sa MVP Group of Companies at sa dami ng kumpanya ni MVP at kung siya ang laging endorser, iingay na naman ang pangalan ng aktor.


 

MAY nagkainteres sa ginamit ni Heart Evangelista na YSL cup sa ininom na YSL coffee. Sabi ng fan ni Heart, willing siyang gamitin ang cup kahit nagamit na ni Heart at kahit siya na ang magbayad ng shipping fee maangkin lang ang coffee cup na may nakasulat na “Yves Saint Laurent” at may slight lipstick smudge ni Heart.


Regular lang ‘yung coffee cup na hawak ni Heart at parang ‘yung mga nakikita natin sa mga coffee shops dito. Hindi naman siguro ‘yun ang tinukoy na YSL cup na limited-edition at ibinebenta sa River Droite boutique for P4,688 sa peso. Kung the same coffee cup ang tinutukoy, napakamahal ng kape na ininom ni Heart.


Sabagay, hindi na bago kay Heart ang mga mamahalin niyang gamit at wala yata itong gamit na hindi libo ang halaga. 


May ipinost din si Heart na YSL evening bag na ang description, “In crystals decorated with embroidered crystals and with bronze-toned hardware.”


Nabibili ang bag sa YSL website for P137,636 based sa current exchange rate. Kapag tumaas ang euro, tataas din ang price nito. Isa lang ang bag na gamit ni Heart sa Paris Fashion Week at marami pa siyang ginamit na bags na puro mamahalin.


Well, nakakatuwa ang ibang fans ni Heart, ngayon pa lang daw ay mag-iipon na sila at baka magpa-pre-loved sales si Heart, may pambili na sila. Kahit ‘yung maliliit na bagay na nagamit na nito ay okay sa kanila basta galing kay Heart Evangelista.


 

LAST Wednesday na ngayon ng My Ilonggo Girl (MIG) at sa Huwebes, magtatapos na ang rom-com series na pinagtambalan nina Jillian Ward at Michael Sager. 


Inaabangan na ng mga viewers kung paano magtatapos ang series at kung happy ending ba kina Tata (Jillian) at Francis (Michael).


Gusto ring malaman ng mga viewers kung ano ang mangyayari kay Venice (Myrtle Sarrosa) na kinaiinisan ng mga fans. Kuhang-kuha nito ang gigil ng mga fans, but in fairness, magaling siyang kontrabida.


Hindi lang mapapanood ni Michael Sager ang finale ng series nila ni Jillian dahil nasa Bahay ni Kuya siya. Paglabas niya, wish ng mga fans na matuloy na ang pelikula na pagsasamahan nila ni Jillian Ward, para hindi raw sila mabitin.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page