top of page

MTRCB, NAGSALITA NA SA REKLAMO NG MGA NETIZENS KAY JOEY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2023
  • 4 min read

Updated: Sep 27, 2023

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 26, 2023



Ilang araw nang trending sa X (dating Twitter) si MTRCB Chairwoman Lala Sotto-Antonio dahil kino-call ang attention niya sa E.A.T. segment na Gimme 5 na umere nitong Setyembre 23, Sabado.


Hindi kasi nahulaan ng contestant ang lahat ng bagay na puwedeng isabit sa leeg tulad ng ribbon, kabitan ng ID at iba pa hanggang sa binanggit ng isa sa mga hosts na si Ginoong Joey De Leon ang ‘lubid.’


Naniniwala naman kami na walang ibig sabihin si Joey, pero siyempre, dahil kilalang henyo at laging may double meaning ang TV host-comedian sa mga sinasabi niya, lalo na’t napakasensitibo ng salitang lubid, ay nag-react na ang mga netizens dahil alam naman ng lahat kung ano ang ibig sabihin nito lalo na sa mga taong may pinagdaraanan.


At dahil dito ay sunud-sunod na ang posts ng mga nakapanood sa kani-kanilang social media platforms at may mga nabasa pa kami sa showbiz online na i-tag daw si Chair Lala tungkol dito.


Hindi naman nabigo ang mga netizens dahil first thing in the morning kahapon, Lunes, ay nagpalabas na kaagad ang MTRCB ng kanilang official statement tungkol dito.


“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming balita kung humingi ng ‘sorry’ si G. Joey De Leon on air dahil sa pagbanggit niya ng ‘lubid.’

 


26 yrs. na sa showbiz... "DITO NA AKO MAMAMATAY" - DOMINIC



Sa mga dumalong cast ng pelikulang Fruitcake ay si Dominic Ochoa ang hindi na kabilang sa henerasyong millennial at GenZ, kaya naman tinanong siya kung madali ba para sa kanya ang karakter niya bilang politician sugar daddy ni Heaven Peralejo.


Si Dominic ay gumaganap bilang si Senator Sammy Esteban at mistress niya si Heaven.


“Actually, it’s my first time. Enjoy kasi ako lalo na nu'ng nalaman ko 'yung cast. It’s something na hindi mo puwedeng hindian.


“And thankful din ako sa show na ginagawa ko ngayon na pinayagan ako to shoot this movie. I think the show was meant to be extended. Kaya sabi ko, hihindian ko na ang movie na ito. But then, nag-adjust sila nu'ng January, ‘Sige, gawan natin ng paraan.’


“So I’m thankful na nagawa ko ito. Unang-una, mga bata ang kasama ko, and I learned from them as well,” say ni Dom sa ginanap na mediacon ng Fruitcake nitong Sabado, Setyembre 23, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Newport Mall, Pasay City.


Si Heaven ang nanalong Best Actress sa nakaraang 39th Luna Awards noong Agosto 26 para sa MMFF 2022 entry nitong Nanahimik Ang Gabi kaya natanong ang beteranong aktor kung kumustang ka-work ang dalaga.


“Madali namang katrabaho si Heaven. Actually, it’s my first time na maghubad, sa harapan ng tao. Hahaha!” natawang sabi ng aktor.

Dagdag pa, “But at the end of the day, it’s work. Kung comedy ang makikita ng tao, bahala kayo.


“It was more on the character. Senador ako ru'n, and Heaven’s portraying a mistress. Pero may truth sa ginagampanan ko, kaya excited akong gawin. And 'yun, hopefully, magustuhan ng tao. It’s a piece of the fruitcake, 'yung istorya namin.”


Samantala, nasa GMA-7 na ngayon si Dominic at nagpaalam daw siya sa Kapamilya Network na gumawa ng serye habang wala pa naman siyang project at pinayagan naman daw siya.


“I’m thankful. Because hindi naman natin gusto na magsara 'yung ating istasyon. But eventually, I was offered that show nu'ng time na natapos ako sa Huwag Kang Mangamba.


“And then, pinayagan din naman ako nina Direk Lauren (Dyogi). They’re open about it. So it’s a good experience. Kasi, twenty-five years ako sa ABS-CBN. So, natutuwa rin naman ako at very thankful because the show is running for a year.


“And it’s a good experience na makatrabaho mo ‘yung sa kabila, na 'yung ibang kultura. You don’t compare but at least you see 'yung nasa ibang daan. Parang wala rin namang pagkakaiba, pero at least you get to work with other co-actors.


“Nakakatuwa rin because they’re ‘yung nakabukas ang pintuan. Nakikita mo na very accommodating. Parang pagkakakilala mo sa kanila, sasabihin, parang kasama na sa pananalita nila na, ‘I hope to work with you soon.’ 'Yung ganu'n.


"And mahal ko ang trabahong ito kaya ako nandito for 26 years. I never imagined myself being in this business. Never dreamt of it. But feeling ko, dito na ako mamamatay. Ito na 'yung kaligayahan ko.


“I think it’s about time to collaborate with each other. Siguro, panahon na para huwag tayong maghiwa-hiwalay.


“Nakakatuwa, 'yung seeing everyone, si Josh, nasa GMA Gala, nandu'n si Tita Cory (Vidanes), sina Boss Carlo (Katigbak).


“So it’s good to see everyone being with kahit 'yung boss ko ngayon, sa TV5 ngayon. So parang ang daming pintuang nagbubukas.


“Akala natin, nagsara. Pero 'pag minsan, 'pag tatanungin natin, may nagbubukas na pintuan 'pag pinagsarhan na,” mahabang sabi ni Dominic.

Anyway, ang barkada movie na ito ay hoping na mapasama sa 2023 Metro Manila Film Festival ngayong December at ang ibang kasama sa pelikula ay sina Joshua Garcia, Empoy Marquez, Enchong Dee, Ria Atayde, Jane Oineza, KD Estrada, Queenay, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada, at Karina Bautista.


Ito ay mula sa direksiyon ni Joel Ferrer at isinulat nila ni Direk Miko Livelo, produced ng Cornerstone Studios at Create Cinema bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng ABS-CBN Star Magic.


Komentarze


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page