ni Lolet Abania | February 1, 2022
Itinalaga ni Pope Francis ang isang pari mula sa Archdiocese ng Manila bilang kanyang representative sa Rwanda, ayon sa isang report na nai-post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Si Monsignor Arnaldo Catalan, 55, ay naglingkod sa Diplomatic Service of the Holy See sa loob ng nakalipas na 20 taon at nagsilbi bilang Chargé d’affaires ng Apostolic Nunciature sa China mula pa noong 2019.
Ang appointment ni Msgr. Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio to Rwanda ay ipinahayag sa publiko nitong Lunes, Enero 31 at nai-publish din ng Holy See Press Office.
Labis naman ang pasasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kay Pope Francis dahil sa aniya, “gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio.”
“He greets the new archbishop in the name of the clergy, religious men and women, and the laity of the Archdiocese and assures him of their support and prayers as he takes on this new mission,” dagdag ni Cardinal Advincula.
Pinalitan ni Msgr. Catalan si Archbishop Andrzej Józwowicz na nai-tranfer sa Iran noong Hunyo 2021.
Si Fr. Catalan ay na-ordain sa priesthood noong Marso 1994 at pumasok sa Holy See Diplomatic Service noong Hulyo 2001. Mula noon, nagsilbi na siya sa Apostolic Nunciatures sa Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada, at sa Pilipinas.
Sa ngayon, wala pang nakuhang detalye hinggil naman sa episcopal ordination ni Msgr. Catalan.
Comments