ni Eli San Miguel @Overseas News | August 21, 2024
Inihayag ng World Health Organization nitong Martes hindi maihahalintulad ang paglaganap ng mpox sa COVID-19, dahil marami nang nalalaman tungkol sa virus at sa mga paraan upang kontrolin ito.
Bagaman kinakailangan pa ng higit na pananaliksik sa Clade 1b strain na nag-udyok sa UN agency na ideklara itong global public health emergency, sinabi ni Hans Kluge, direktor ng WHO sa Europe, na maaaring mapigilan ang pagkalat ng mpox.
"Mpox is not the new COVID," aniya. "We know how to control mpox. And, in the European region, the steps needed to eliminate its transmission altogether," pahayag niya sa media briefing sa Geneva, via video-link.
Noong Hulyo 2022, idineklara ng WHO ang isang emergency dahil sa pandaigdigang paglaganap ng Clade 2b strain ng mpox, na mas nakaapekto sa mga kalalakihan na may sekswal na relasyon sa kapwa kalalakihan. Tinanggal naman ang alarma noong Mayo 2023.
Comments