ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 11, 2025
Photo: Star Cinema at KimPau - IG Paulo Avelino
Nagkakagulo ang mga supporters ng KimPau dahil sa balitang iniurong ng Star Cinema ang supposedly Valentine playdate ng movie nila na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).
Kumalat din ang tsikang kapwa in-unfollow nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang Star Cinema (SC) sa socmed.
From February playdate na inumpisahan nang i-promote ng dalawang lead stars, bigla umanong gagawin na sa April ang showing.
“Nagpaumpisa na silang (Star Cinema) magpakilig. May mga pa-coded emote pa ng relasyon, tapos babalitaan kami ng ganito?” litanya ng ilang KimPau fans.
Ang mas nakakaloka pa, bina-bash umano ang dalawa dahil idinadamay ng iba ang name ni Kathryn Bernardo na sa bakuran nga ng SC ay itinuturing na box office queen.
Nu’ng una ay inisip ng marami na baka isa na naman itong pakulo para mag-ingay ang movie, pero mukha ngang naka-unfollow ang KimPau sa SC?
Wala pa ring tugon ang SC sa reklamong ito ng mga KimPau fans.
Topic nang bumisita sa Palasyo…
SOFRONIO, UMAMIN KAY PBBM NA PABALIK-BALIK SA CR SA SOBRANG KABA NU’NG SUMALI SA THE VOICE USA
Nakakatuwa ang pagiging very candid ng naging usapan nina Sofronio Vasquez at President Bongbong Marcos (PBBM) with FL (First Lady) Liza Marcos.
Sa ginawang courtesy call ng The Voice USA (TV USA) champion sa Malacañang kamakailan, nagmistulang big star si Sofronio, lalo’t siya ang naging sentro ng chikahan at tanungan.
Bukod sa pagkanta ng naging winning song niya sa The Voice, naghandog din si Sofronio ng paboritong The Beatles song ni PBBM na Imagine.
Pero mas marami ang naaliw sa chikahan nila, lalo na sa usaping mga seremonyas bago sumalang sa contest.
Ibinahagi ni Sofronio na lagi siyang “nagbabawas sa CR” bago kumanta to ease out some pressure, nerbiyos at kaba.
Although natatawa, sinabi nina PBBM at FL na normal at natural umano ‘yun, lalo't sasalang ka nga sa show. Marami lang ang natuwa dahil candidly, napag-uusapan nga sa Palasyo ang ganu’ng mga pang-CR na bagay. Hahaha!
Bumilib din ang marami sa Pangulo dahil kahit lantad na Kakampink at supporter ni Leni Robredo si Sofronio last elections, inestima nila ito nang maayos.
Pagsuko sa NBI, kino-comedy pa…
RUFA MAE, NANGUTANG PARA SA P1.7 M PIYANSA
SPEAKING of kinabiliban, marami rin ang humanga kay Rufa Mae Quinto sa pagiging natural nito sa pagsuko ng sarili sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa airport pa lang ay kinagiliwan na ng mga netizens ang kakikayan ni Rufa na winelkam back ang sarili at nagdeklarang didiretso siya sa NBI para sumuko dahil sa kinasangkutan na isyu sa isang beauty care company na kinuha lang siyang endorser.
Nagawa pa ni Rufa na matulog sa opisina ng NBI dahil hindi nga nila inabutan ang office hours dito.
Nagpapasalamat din ang comedienne actress na pinayagan siya ng korte na makapagpiyansa dahil sinasabi niyang siya rin ay isang biktima.
As of this writing, balitang may mga proyektong nakatakdang gawin si Rufa dahil ayon sa kanya, nangutang siya para ipandagdag sa P1.7 milyong piyansa at iba pang gastusin sa kaso.
Bukod pa raw dito ang kakaharapin niya para sa ipinaglalabang anak sa mas personal niyang laban sa asawa.
Seryosong mga usapin subali’t hindi mo mahihinuha na pinagdaraanan ng laging nagpapatawang aktres.
Hay…
Comments