ni Nitz Miralles @Bida | September 17, 2024
Parang mali ang reasoning ng mga bashers nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kaya may pre-selling ng ticket para sa movie nilang Hello, Love, Again (HLA) ay dahil magpa-flop daw ito.
Para raw hindi mag-flop ang movie, kailangan nang magbenta ng ticket in advance.
Kinontra naman ng mga KathDen fans ang mga bashers at ipinaliwanag na kailangan ng pre-selling dahil mataas ang demand sa movie. Heto nga at sa update ng SM Malls na nanguna sa pre-selling ng tickets, mapapanood na sa 122 cinemas ang nasabing pelikula, combination na ito ng SM cinemas, Ayala Malls cinemas at Robinsons World cinemas. Ito ay kahit sa November 13, 2024 pa ang showing ng movie.
Sigurado ring madaragdagan pa ang number of cinemas na paglalabasan ng HLA.
Maagang nag-sold-out ang ticket sa S’Maison-Director’s Club 3 sa 7:30 PM screening. Dito ang pinakamahal na tiket, P600 pero may kasamang popcorn at drinks.
Aabot na rin sa 40 ang block screenings na again, madaragdagan pa kapag palabas na ang pelikula ni Direk Cathy Garcia-Sampana.
Ang nakakagulat, wala pang lumalabas na teaser, trailer at poster at hindi pa nga nagsisimula ang promo, pero mataas na ang demand.
Hindi kaya nape-pressure sina Kathryn Bernardo, Alden Richards, Direk Cathy Garcia-Molina, Star Cinema at GMA Pictures na ngayon pa lang, nagbibilihan na ng ticket ang mga fans?
'Di makakain at makatulog, ipagdasal daw siya…
CLAUDINE, BUMAGSAK SA 97 LBS. ANG TIMBANG
Humingi ng dasal si Claudine Barretto para sa paggaling ng mom niya at dasal na rin para sa kanya. Naka-confine kasi sa St. Luke’s BGC ang 87-year-old mom ni Claudine na si Mommy Inday dahil may lupus.
Pahayag ni Claudine, “I need all your prayers, please. She is the only parent I have left. I have been checking & taking care of her together with my kuyas Mito & @jjbarretto my Ate Michie & sister-in-law Connie.
“Thank you po sa inyong lahat, isama n’yo na rin po ako sa prayers n’yo. I haven’t been eating & I’m down to 97 pounds and I haven’t been sleeping. God bless you all & your families as well.”
Marami agad ang sumagot sa pakiusap na prayers ni Claudine for her mom and for her.
Sa dami ng mga nagdarasal sa kanila ng mom niya, for sure, gagaling si Mommy Inday at madaragdagan na rin ang timbang ni Claudine Barretto.
ANG galing mamili ng project ni Cong. Arjo Atayde dahil lahat ng ginagawa niyang pelikula, may impact at nananalo pa siya ng award.
Siguradong masusundan ang napanalunan niyang Best Male Lead in TV Program/Series sa 2024 ContentAsia Awards para sa Cattleya Killer (CK) dahil sa trailer pa lang, maganda ang The Bagman at Moonglow.
Third season na ang The Bagman na nagpanalo sa kanya ng Best Actor sa Asian Academy Creative Awards in 2020. So, sanay nang manalo ng acting award si Arjo. Ang taray!
Ang lakas din ng impact ng teaser ng pelikulang Moonglow directed by Hollywood-based Filipino filmmaker na si Isabel Sandoval. Shot in Manila ang movie na set for release in 2025, kaya may pondo na si Arjo para sa acting award next year.
Bongga lang ang sinabi nitong, “I don’t work for awards,” pero dahil magaling ngang actor, siya na ang nilalapitan ng acting award.
Proud wifey tiyak si Maine Mendoza na mahusay na aktor ang kanyang asawa. Pati pala press people and vloggers, excited na sa magiging baby nina Arjo at Maine, kaya lang, hindi pa dumarating sa buhay nila ang kanilang magiging mga babies.
Sa ngayon, happy muna si Arjo na magiging tito na siya sa isisilang na anak ng kapatid na si Ria Atayde-Marudo at asawa nitong si Zanjoe Marudo.
“We are excited. I am excited sa magiging baby nina Ria at Zanjoe,” pahayag ni Arjo Atayde.
Comments