ni Nitz Miralles @Bida | January 11, 2023

May pa-thanksgiving party ang Viva Films para sa box office success ng Deleter, ang MMFF entry na pinagbidahan ni Nadine Lustre sa direction ni Mikhail Red.
Sa party mamaya, malalaman ang follow-up project ni Nadine after her last movie.
Nabanggit kasi nito na dahil sa maganda ang pagtanggap sa comeback movie niya at maganda ang Deleter, na-inspire siya to make more movies.
Mamo-motivate pa nito si Nadine dahil napanood sa different parts ng Amerika ang Deleter at ipapalabas din sa UAE at sa Singapore.
Isa pang motivation kay Nadine ay ang balitang ang Deleter ang highest-grossing Filipino horror movie.
Meaning, nataob nito ang mga kinita noon ng Feng Shui ni Kris Aquino, The Healing ni Vilma Santos at mga Shake, Rattle and Roll series ng Regal Films.
Sa mediacon ng pelikula, ayaw pang tanggapin ni Nadine na siya ang bagong Horror Queen. Ngayon kaya, matanggap na niyang siya na ang new Horror Queen?
Ang Viva Films lang daw ang makakasagot nito.
Comments