Movie, 1 yr. daw niyang pinaghandaan… MARIS, BINIGYAN NG STANDING OVATION SA INTERNATIONAL FILMFEST, NAPAIYAK
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 28, 2025
Photo: Maris Racal - Instagram
Naging emosyonal ang aktres na si Maris Racal matapos mapanood for the first time ang kanyang pelikulang Sunshine sa Far East Film Festival (FEFF) sa Udine, Italy.
Sa isang post ng Project 8 Projects nitong April 25 (Europe time), ishinare nila ang mga snapshots ni Maris habang ipinapalabas ang pelikula.
“Maris Racal saw Sunshine for the first time in Udine, Italy. This was her as the credits rolled and the whole theatre clapped for her. She bawled her eyes out. We love you, Sunshine @mariesteller. The world is yours!” caption ng film outfit.
Kitang-kita raw ang pag-iyak ni Maris habang binibigyan siya ng standing ovation sa loob ng sinehan.
Ang FEFF ang isa sa pinakamalaking Asian film festivals sa Europe, na nagpo-promote ng diversity at richness ng Asian cinema.
Ang Sunshine ay tungkol sa isang young gymnast na nalaman niyang buntis siya right before ng national team tryouts.
Sa kanyang paglalakbay para bumili ng illegal abortion drugs, nakilala niya ang isang misteryosang babae na kakaiba at parang mirror image niya.
Matatandaan na nitong February, nanalo rin ang Sunshine ng Crystal Bear for Best Film sa 75th Berlin International Film Festival — isang malaking karangalan dahil ang Crystal Bear ay ibinibigay sa Best Feature Film ng Generation Kplus at Generation 14plus competitions.
Sa isang interbyu noong 2024, ibinahagi ni Maris kung gaano niya pinaghandaan ang role na ito.
“I really pushed my limits and trained for it. Kahit mahirap, pinilit ko,” kuwento niya.
Aniya, “It was made through blood, sweat, and tears. Talagang pinaghirapan namin. 2020 pa ‘yung script. It made me very emotional because 1 year ako nag-train. Nakita ko ang pelikula, trailer, iba ang dating sa ‘kin. Maganda (ang) story.”
Nag-open up din si Maris na malaki ang naging impact ng project sa kanyang growth bilang actress.
“Sa film na ‘to, I’ve grown so much as an actress,” caption niya sa isang Instagram (IG) post last January 2024 matapos tapusin ang pelikula.
Sey niya, “Ito ‘yung project na magiging proud ako na nagawa ko dahil sa sobrang ganda ng mensahe. Thank you, Direk [Antoinette Jadaone], ako napili mo.”
Talaga namang nagniningning ang bituin ng aktres na si Maris Racal ngayong 2025!
Nangibabaw pa rin ang pagpapatawa o humor ng aktres-comedienne na si Melai Cantiveros-Francisco habang nilalabanan ang kanyang kaba nang mag-share ng tips o payo para sa hosting sa Pinoy Media Congress (PMC) na ginanap sa University of Makati (UMAK) nitong Friday.
Napuno ng tawanan ang hall nang magbitaw ng salita si Melai na puno ng payo, “Sobrang kaba ko. Ngayon lang ako nag-talk. Grabe takot ko, para lang kaibigan ko sila kaya medyo nawala kaba ko. Matatalino talaga sila,” sey ni Melai.
Ibinahagi kasi niya ang tips kung paano maging successful o matagumpay sa pagiging host.
Binanggit din ng star na ang isang good host ay dapat, una sa lahat, isang good listener o tagapakinig.
“If you are a good host, you are a good listener. ‘Pag ‘di ka magaling makinig, ‘di mo malaman sinasabi ng kausap mo. ‘Di ka makapag-banter, ‘di mo malaman flow ng gusto mo,” sey niya.
“Mag-research. Alamin mo kung ano’ng show, audience mo, ano at saan papunta ang show. Magbasa ng script. 'Wag mahiyang magtanong dahil collaboration ‘yan. Dapat may alam ka sa guest, alam mo ang topic, at alam ang nangyayari sa paligid para may current affairs ka. Minsan, doon mo mababase kasi,” payo niya.
Ipinunto rin niya ang importance ng pagiging grateful sa team behind the scenes, kasi nakasalalay din sa support, hard work at respeto ng lahat ang success ng host.
“Ikaw host pero writer, nagpupuyat. Ikaw magbabasa na lang, mali pa. Mga cameraman, maaga nag-aayos na. Kailangan support mo ang team dahil ‘pag sinupport mo sila, ibabalik nila. Kahit ‘di ka humingi ng tulong, tutulungan ka nila,” sey niya.
“‘Wag ka mag-feeling. Mula co-host, creatives, prod team, staff, utility, matuto kang rumespeto. Kung wala sila, ‘di mo magagawa trabaho,” dagdag niya.
After ng lecture, isang surprise performance ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 housemates at BGYO ang inihandog sa audience.
Comments