top of page

Mountain Province, Southern Leyte at iba pa, isasailalim sa Alert Level 1

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | April 8, 2022



Isinailalim ng gobyerno ang mas marami pang lugar sa Alert Level 1 sa gitna ng patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar ngayong Biyernes.


Sinabi ni Andanar na ang Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, Southern Leyte sa Region 8, at Misamis Oriental sa Region 10 ay isasailalim sa Alert Level 1 mula Abril 9 hanggang 15.


Ang iba pang lugar na isasailalim sa Alert Level 1 ay ang mga sumusunod:


• Buguias sa Benguet

• Atimonan at Tiaong sa Quezon

• Santa Magdalena sa Sorsogon at City of Masbate sa Masbate

• Batad at Zarraga sa Iloilo

• City of Talisay sa Cebu

• Javier (Bugho) at La Paz sa Leyte

• Maslog sa Easter Samar

• Paranas (Wright) sa Samar (Western Samar)

• Linamon sa Lanao del Norte

• Calamba sa Misamis Occidental

• Padada sa Davao del Sur

• Sibagat sa Agusan del Sur

• Tubajon at Cagdianao sa Dinagat Islands


“All other provisions as to the Alert Level of provinces, highly urbanized cities, independent component cities, component cities and municipalities under IATF Resolution No.165-E not affected by the abovementioned Alert Level classification shall remain in effect until April 15, 2022,” ani Andanar.


Una nang isinailalim ang maraming lugar sa bansa sa Alert Level 1, kabilang na ang National Capital Region (NCR) hanggang Abril 15.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page